Chapter Seventeen

117 7 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN: ENDING THE RESTRAIN

Jeni

“ANG DAMING sikat dito, Jeni!” Iyon ang impit na tili ni Czarina habang lumilinga sa paligid namin.

I warned her not to roam around like wacko and asked picture to every famous people here. Tahimik lang silang tatlo sa paligid habang ang mga kasama nila sa funtion room ay sikat makipag-usap sa isa't-isa.

“Hi! I've been seeing from where I stand. Do you want a drink?” Iyon ang bungad na tanong sa akin ng lalaking hindi ko naman napansin na nakatingin pala sa akin. Baka kasi ginu-good time lang ako ng isang ito at iba naman pala ang balak. It's not that I don't want to get laid tonight. Ibang lalaki kasi ang nasa isip ko na gagawa ng matagal ko na hinihintay.

And there he is, talking to others like a master of his own profession. So dignified and handsome.

“Girl, pansinin mo iyang nasa harap mo. Prospect iyan,” bulong sa akin ni Czarina dahilan para mapalingon ako sa kanila ni Cruz bago bumaling sa kumausap sa akin.

“Uhm. . . I can get my own drink.” Nakita ko na iniwan ni Thirdy ang mga kausap niya at lumakad sa direksyon ng bar. “E-excuse me, Sir.” Binalingan ko uli ang dalawang kaibigan ko at kinausap lang sila gamit ng mga mata bago ko naisipang sundan si Thirdy sa bar.

“Can I have one whiskey on the rocks, please?” Iyon ang narinig ko na order ni Thirdy nang makalapit ako. Tumingin siya sa gawi ko at hindi maiwasang mapalunok kahit simpleng tingin lang iyon. I couldn't believe that this unimaginable feeling will grow more like a longing than a cravings.

“Hello Ma'am, what can I get you started?” I glanced at the bartender in front of me.

“A glass of vodka will do for me,” I say, glancing at Thirdy again. “Ang sabi mo mag-uusap tayong dalawa.”

Nakita ko na luminga-linga siya bago muling bumaling sa akin. “Not here.”

“You didn't texted me. . .”

“It only means that you're not needed, Jeni.” Hindi ko magawang paniwalaan ang sinasabi nitong si Thirdy. It's like I'm talking to different person. Far from the vulnerable version of him several days ago. “Why you didn't let the man earlier get you a drink?”

“Hindi ako interesado sa lalaki kanina. Nasa iba ang interes ko pero mukhang wala siya rito,” makahulugan ko na sabi. Saktong dumating iyong inumin na hiningi sa bartender na agad kong dinampot. “How did you know Mona Claveria?”

“A family friend which cannot pique your elusive interest.”

Huminga ako ng malalim. Mukhang patutunguhan itong pag-uusap namin. Itutuloy ko na lang ang plano ko na umalis kasama ng mga kaibigan ko para naman madiligan na ako.

“Mauna na ako umalis,” sabi ko at mabilis na tumalikod pag-ubos sa vodka na in-order ko. Kinuha ko sa clutch bag iyong cell phone para matawagan si Czarina na wala kung saan ko sila iniwan ni Cruz. Bakit nila ako iniwan?

Sabagay iniwan ko rin naman sila ng dalawang beses.

“Hi! Are you with someone tonight?” tanong na pumukaw sa akin. Ngunit bago pa ako makasagot ay may gumawa na noon para sa akin.

“Yes, she is with someone,” Thirdy said and seriousness is evident to his voice. “with me. She's with me tonight.”

Maang akong tumingin kay Thirdy pagkarinig sa sinabi niya at hindi na nakapagsalita ng hilahin niya ako palabas ng function room na kinaroroonan naming dalawa.

HINDI ko alam bakit ako pumayag na sumama kay Thirdy dito sa hotel penthouse niya. Hindi din naman kami mag-uusap. Ayon siya may ibang kausap sa telepono at ako rito mag-isang umiinom ng alak. Kung ganito lang din pala, dapat nagpa-iwan na ako at hinanap na lang sina Czarina at Cruz. Inis na inis akong muling nagsalin ng whiskey sa baso at aktong iinumin na ngunit may umagaw noon sa akin.

Her Perfect ImperfectionWhere stories live. Discover now