Chapter Thirty-Seven

94 6 0
                                    

CHAPTER THIRTY-SEVEN: FORCLOSE PAST

Jeni

HINDI ko alam bakit kinakabahan ako gayong nanay lang ni Thirdy ang kikitain ko ngayon. At hindi kasama ang fiancé ko syempre. It's still feels surreal, calling Thirdy my fiancé even at the back my mind. Pero hindi naman iyon talaga ang problema ko talaga.

My problem is Thirdy's mom who asked me via email to meet her at De Luna Empire Hotel Makati. Malapit doon itong penthouse ni Thirdy at ngayon ang huling araw namin sa Manila. Alam ko na may kinalaman sa pangit na outcome ng family dinner noong isang araw itong one-on-one meeting namin ni Mrs. De Luna.

I hope it's not me who the problem is. Baka hindi ko na kayanin kung pati si Ford ang 'di nila tatanggapin.

“How do I look?” tanong ko kay Czarina.

“Good. . . Except if your earring find its pair,” sumimangot ako at hinawi siya para tingnan ang sarili ko sa salamin. “Akala mo laging niloloko. Ang laki ng trust isyu mo sa mga jokes ko.”

“Kinausap ka ni Mrs. De Luna pero hindi mo sinasabi kung ano naging topic niyo.”

“Mag-uusap din naman kayo ngayon. Saka na tayo magpalitan ng notes, okay?”

Umirap ako at inalis na ang hikaw na sinuot ko na wala namang kapares. “Cha, I think I am pregnant.”

“Gumamit ka ng pregnancy test kit?”

“Apat na at. . . lahat isa ang resulta. Two clear red lines.”

“Whoa, congratulations! Does he knows na?”

“Hindi pa.” Nakita ko na dumilim ang mukha ni Czarina. “Sasabihin ko mamaya pagkatapos namin mag-usap ng nanay niya.”

“Good. Ayoko nang itago ka kasi malala gumanti iyang fiancé mo.”

Pinigilan ko ang sarili ko na matawa nang maalala iyong naging ganti ni Thirdy kay Czarina. Binuko lang naman ng fiancé ko kay Clarence kung nasaan siya pati na schedule ng lakad niya. All thanks to my laptop that Thirdy used almost two months ago.

Halos dalawang buwan na pala kami magkasama ulit dalawa. Gano'n na siya katagal na nagta-trabaho sa law firm ko at wala pa ako narinig na reklamo mula sa kanya kahit mababa ang bigay ko na sahod.

Kalimitan pa ng retainers fee niya'y diretso sa firm dahil nangangapa pa kami sa mga accounting department. Iniisip ko pa lang mga gagawin napapagod na ako ngayon pa lang.

“He's a giver, Cha. Wala siyang pinagbago noon hanggang ngayon. Si Thirdy pa rin iyong lalaki na sobra-sobra ang sakripisyo para makasama ako. Ngayon ay dalawa na kami ng anak namin.”

“Na magiging tatlo pa dahil buntis ka ngayon.”

“Bakit ba ako kinakabahan sa meeting namin?”

“Kalmahan mo lang, okay? Kung ano 'man sasabihin ni Mrs. De Luna sa 'yo, subukan mo iwaksi sa isip mo pagkatapos. You have a ring on your finger now. Sigurado ako na hindi na hahayaan ni Thirdy na may humadlang pa sa inyong dalawa.”

“Right, it's forclose past for all of us.”

Ngumiti si Czarina pagkarinig sa sinabi ko. “Nasaan pala siya?”

“Si Thirdy? He's with his brother. Sinamahan niya magpa-therapy ngayon kasama ni Ford.” Tumango si Czarina matapos ko sagutin ang tanong niya. “I have to go now. Balitaan kita pagbalik ko kung ano napag-usapan namin.”

Czarina have a flight today. Baka sa chat lang kami mag-usap mamaya pagkatapos ko siputin ni Mrs. De Luna. Kahit kabado pa rin ay tutuloy ako nang matapos na ang lahat ng may kinalaman sa nakaraan namin ni Thirdy.

Her Perfect ImperfectionWhere stories live. Discover now