Chapter Ten

142 10 3
                                    

CHAPTER TEN: A COMPANION

Jeni

"MAY laundry shop akong nadaanan kanina. Bakit hindi ka doon magpalaba?" tanong ni Thirdy na nagpatigil sa akin sa pagsasampay. Tumingin ako sa kanya at gano'n din siya sa akin. Para kaming ewan dalawa kaya nagsalita na ako.

"Hindi praktikal. Kaya ko naman maglaba saka konti lang naman ito. Iyong natipid ko, savings pa," sabi ko na nagpangiti sa kanya.

"You're not working two jobs a day?"

"Wala pa raket ulit. Pagkatapos noong kalat ko sa despida ng friend mo, wala na ako raket."

Pinagdiinan ko talaga na simula ng makilala ko siya wala na akong raket na matino. Kahit pa paldo din naman ang kita ko sa kanya. Biruin mo, kakausapin at pakikinggan ko lang easy ten thousand na. May libreng pagkain pa pero iba rin ang dala niyang frustration sa akin talaga lalo na ng amoy niya. Partida naglakad pa iyan ng malayo tapos gano'n pa rin ang amoy.

Hustisya naman sa gaya ko na nalulusaw sa init kapag naglalakad. I'm not a fan of walking and running. Pero parte ng trabaho ko bilang paralegal ang maglakad at tumakbo.

"So, why establish a law café after you practice law in a firm?"

Ay, pang-miss universe mga tanungan nito. Hindi ako prepared pero sige sasagutin ko siya since 'di ko masyado naipaliwanag ang goal ko kanina.

"Gusto ko na may matatakbuhan iyong mga taong walang kakayahan na maghire ng lawyer. Iyong law café ko, may free consultation siya at masarap ang kwentuhan kapag may café. Saka puwede na maging study place din para sa mga estudyante na nakatira sa ganitong lugar."

I am living in a depress area at the heart of Manila. Itong apartment ko, electric fan lang ang nagpapalamig sa gabi. May lamok pa kaya kailangan kasama sa budget ang off lotion. Kung wala ka lotion, mag-mu-mukbang ang mga bampira sa katawan mo.

"That's promising, and from how you talk, I'm impressed."

"May reward ba ako kasi na-impress ka?"

"Your reward is here. In front of you," aniya sa akin.

Reward na hindi ko gaano mahawakan kasi baka maglaho agad. Parang little mermaid lang, ayoko na maging bula siya na tinangay ng hangin.

Wait a minute. . . bakit ko ba iniisip iyon? Bakit ko nalimutan na may girlfriend nga pala itong mokong na 'to.

"Ang landi mo. Baka may magalit ha. Ayoko ng complications, Atty. Nilatag ko na ang plano ko kanina sa lunch at iyon ang gagawin ko."

"What do you mean by that?"

"Sa plano ko? Hindi mo ba na-gets na kapag may distraction, may disgrasya?"

"Not that. Who's going to be mad?"

"Girlfriend mo. Iyong morena na balinkinitan ang katawan sa picture." Tumingin ako sa kanya. "Hindi kita ini-stalk ha. Dumaan sa feed ko iyong tagged photos sa iyo kasi ni-like ni Miss -"

I stopped, and my eyes widened when he gave me a peck kiss.

"Why did you do that?"

"Because you talked a lot," he answered, creaking my forehead slightly. "I don't have a girlfriend. Kung gusto mo mag-apply, pirmahan mo lang iyong kontrata na bigay ko."

"Asa! Kakasabi ko lang 'di ba? Pag may distraction, mag disgrasya." Lumapit siya sa akin at sinapo ang magkabila kong pisngi saka hinalikan ulit ang aking labi.

This time it's passionate and a little demanding, releasing all the possiveness he has when it comes to me. Natangay ako ng halik niya at natagpuan ko na lang ang sarili ko na tinutugon ang kanyang halik. I gently wrapped my arms around his nape to deepen the kiss we're sharing but he pulled away.

Her Perfect ImperfectionWhere stories live. Discover now