Chapter Thirty

85 4 0
                                    

CHAPTER THIRTY: GHOST

Jeni

LIFE is unpredictable. Iyon na ang kahulugan ng buhay sa akin simula ng makilala ko si Thirdy. Dati hindi patas ang lahat - hanggang ngayon ay gano'n pa rin naman. Pero kapag kasama ko si Thirdy, madali ang lahat ng bagay. And one of the unpredictable things happened to me is this.

In my hand are pregnancy test kits with positive result. I stopped and think about my future. I should be preparing for my law school interview now because I passed the exam. Pero heto ako nanatiling tulala at hindi malaman ang gagawin.

“Jeni! Gising ka na ba? Tara na at baka mahuli ka sa interview mo. Hoy! Bakit hindi ka pa nakabihis?”

“Czarina. . .”

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at doon agad sa hawak ko napadpad ang kanyang atensyon. I told Czarina the passcode of Thirdy's penthouse. Thirdy had given me an authority to invite Czarina here so I have a companion while he's out of the country. Tinotoo ni Clarence iyong sinabi niya na dadalhin si Thirdy sa Spain at halos isang buwan na roon ang binata.

Habang normal ang buhay ni Thirdy doon, siya naman ay humarap sa samu't-saring problema ngayon. Isa na roon ang iyong problema lupain ni Nanay Remi. I wanted to help her but my savings is enough for my law school journey. Kailangan ko pa humanap ng part time upang ma-sustain iyon at hindi mag-zero balance ang savings ko.

“Sasabihin mo ba kay Thirdy?”

Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanyang tanong. Kanina ko pa rin iyon tinatanong sa sarili ko nang makita ang resulta ng pregnancy test kit na binili ko. I've noticed the changes in my body so I went in a drug store to buy some a while ago.

“Don't tell him. Pinlano lahat ni Clarence itong pag-alis ni Thirdy kamakailan lamang.” Siya ang nagsabi sa akin ng plano ni Clarence na dahilan rin ng kanyang pag-alis sa firm bilang sekretarya nito. “Balik na tayo ng Isabela.”

“Pero. . . si Thirdy?”

“May rason ka para i-ghost siya ngayon.” Hinawakan ni Czarina ang kamay ko. “Kapag maayos na ang lahat, ako na mismo ang magpapaliwanag sa kanya. Sasabihin ko na ideya ko ang lahat ng gagawin natin.”

“P-paano?”

“Bahala na. Basta ang importante ay makabalik tayo sa Isabela ngayong araw.”

“Y-yung interview?”

Natigilan si Czarina sandali matapos ko banggitin ang tungkol sa law school admission screening. Ngayon iyon dapat kaso itong natanggap ko na resulta ang nagpabago ng bigla sa lahat ng plano ko. I am pregnant and I know that's all I have to think about. Dapat ko muna i-set aside ang lahat na may kinalaman sa pangarap ko.

“Magagawa mo pa rin naman ang lahat. Sa ngayon, maliliit na step lang muna tayo, hm?”

“Paano ka?”

“Nakalimutan mo na bang ride or die friend mo ako? Siyempre kasama mo ako sa lahat ng bahay simula ngayon.”

I want to cry but we have no time left. Tumalikod si Czarina ngunit napabalik nang marinig na tumutunog ang cell phone ko. Kinuha niya iyon at pinatay saka sinilid sa bulsa. Inaya niya ako na mag-empake at magkasama naming nilisan ang penthouse ni Thirdy na walang iniiwan na bakas kung saan kami tutungo.

Mali. . . May iniwan pala ako.

It's a letter of goodbye I hid under his pillow. My last letter for that I didn't meant to leave without a clear reason.

~•~•~•~

BABA na dapat ako kaso humahangos papasok ng bahay namin si Czarina at pinigilan ako saka pina-akyat ulit. She told me that Thirdy is outside our house right now, talking to Nanay Remi. Dala-dala pa ng kaibigan ko ang pinamili sa palengke paakyat.

Her Perfect ImperfectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon