Chapter Eleven

141 8 0
                                    

CHAPTER ELEVEN: IT DEPENDS ON YOUR PERFORMANCE

Thirdy

MEETING Jeni was the most unexpected twist of my life. Noong araw na magawi ako sa bar kung saan ko siya unang nakita, wala talaga ako plano pumasok. Sinundan ko lang para alamin kung saan nagta-trabaho iyong kausap ko na witness. Para rin malaman kung credible ba ang sinasabi niya sa akin.

And that fateful night, I met the game changer of my life.

Si Jeni iyong babaeng araw-araw na sumusubok sa aking self-control. Noon wala pa ako ideya na siya iyong madaldal at laging may katwiran na paralegal sa opisina. Akala ko may mga tao lang na sadyang magkaboses. Jeni was wearing a mask when I first met her and it was removed when she had a gig on friend's despida party.

Hiding her secret was a challenge too. But since I chose not to judge her, I buried her secret. Walang makakaalam na miski na sino na maaaring makasira sa pangarap ni Jeni. And she has a bright future ahead and is willing to rise from the world that dimmed her life.

She is simply the sweet and bright woman with full of I have ever met.

"Bakit na rito ka na naman, Attorney?" Hinayon ko ang tingin sa pinanggalingan ng tanong.

It's Solana, and the longer she stays here, the more she adopts Ellis' attitude. Where did the easily amused Solana go?

"Para ka ng kapatid ko, pasmado ang bibig." Ngumisi siya na gaya rin ng kapatid ko. "Bawal ba ako rito sa isla?"

"Hala, hindi naman. Nagtatanong lang ako kasi parang kailan lang narito ka, lasing at may problema sa babae."

"I still have that problem. . ." Kahit hindi ko pinapaupo sa bakanteng upuan si Solana at umaktong makikinig sa sasabihin ko. "Wala kayong lakad ni Ellis? Huwag mo masyadong pinagseselos ang mokong na 'yon baka bigla na lang umalis, ikaw rin maiiwan ka."

"Hindi ko naman pinagseselos. Interested lang ako sa istorya mo. Tell me more about that girl. Grabe biruin mo naglasing ka dahil sa kanya. Sobrang ganda ba niya?"

Puwede ko siguro tanungin si Solana. Hindi na rin naman siya iba sa amin. Kung kikilos lang si Ellis ngayon at hindi torpe na gaya ko, bagay naman sila.

"She's indifferent." Kumunot ang noo ni Solana na in-expect ko naman na. "I prepared a contract for us and gave it to her days ago."

"Contract? Bakit may contract?"

Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "It's the easiest way I could think off, Sol. Ayaw niya na ma-attached kaya may kontrata at pa rin lagi lang siya nasa tabi ko."

Solana's lips formed an O shape. "Ayos ah. . . Medyo possessive na ma-respeto sa kagustuhan ni Ate Girl." Tumahimik saglit si Solana pero lumingon siya sa akin uli. "Para ba itong FUBU in a responsible way?"

"Ano 'yon?"

Umingos siya.

"Fuck buddies in a responsible way. Ibig sabihin importante sa 'yo iyong personal space niya at pino-protektahan siya noong kontrata na ginawa mo para sa inyong dalawa."

Literal na bumagsak ang balikat ko.

"Mali ba ako? Marami kasing FUBU set up ngayon na 'di malinaw. Iyong sa 'yo medyo malinaw ng konti na wala talaga mahuhulog. What happened in bed, stays in bed."

"I made the contract to keep her on my side. To make her exclusively mine -"

"Pero 'di mo sigurado kung marereciprocate niya ang feelings mo para sa kanya." Huminga ng malalim si Solana. "Tanga ka ba, Attorney? Sayang naman iyong mga high end degrees mo. Para sa babae, willing ka maging laruan iyang puso mo."

Natameme ako.

"Anyway, buhay mo naman iyan. Pinirmahan na ba niya?" Umiling ako. "Ah. . . baka hindi siya sure kung totoo na 'di ka ma-attached na halatang-halata naman talaga."

"Bakit pasmado ang bibig mo?"

"Totoo naman sinasabi ko. Nako Attorney, mahirap iyan. Pero baka kailangan lang niya i-test ang performance mo. It depends on your performance ganern!"

"Performance?"

Tumango si Solana saka ngumiti ng makahulugan. "Alis na ako ha. May pagkain ako natira sa loob. Kain ka na, Attorney. Bye!"

"Tingnan mo iyon. . ." Wala akong nagawa kung 'di huminga na lang ng malalim.

Binalikan ko ang ginagawa at tinapos na iyon bago ko naisipang lumangoy sa dagat mag-isa.

PAGKATAPOS ng sandaling bakasyon ko sa isla, bumalik ako agad sa Manila para may asikasuhin ang naiwan ko na trabaho. Paliko na ako sa kanto kung nasaan ang law office ng makatanggap ako ng text message galing kay Dean na nasa police station ito ngayon. Agad ko minaneobra ang aking sasakyan papunta sa istasyon kung nasaan ang pamangkin ko.

Napaisip ako kung ano ang nangyari at nasa police station ito ngayon na ganitong kaaga.

And he dared to call Kuya Clarence or Kuya JD.

Pagdating ko sa nasabing police station, luminga ako at hinanap si Dean na natagpuan ko sa loob ng kulungan. Isang dahilan kaya lumapit ako agad sa mga pulis.

"Chief, ako Atty. Thirdy De Luna at pamangkin ko iyong nakakulong ngayon." Pakilala ko sa dalawang pulis na nasa harapan namin.

"De Luna? Kaano-ano niyo ang dating presidente ng bansa?" Pinigilan ko na huwag mainis. "Nahuli namin sila sa raid sa isang bar kagabi. Ito bata naman sabi niya kakilala niya raw ang dating presidente ng Pilipinas."

"Thirdy!" sigaw na nagpalingon sa akin.

"Jeni?" Alangan siya kumaway saka siniko si Dean na katabi na ngayon sa loob ng kulungan. I tried to conceal my anger and be cool until we exited this place peacefully. "I know these two people inside. Here is my calling card. You can confirm my identity in our law office, and also, former president Matthias De Luna is my father."

Nakita ko na inutos ng pulis na kausap ko na ikumpirma nga ang identity ko kaya naghintay pa ako ng ilang minuto.

"Sarge, abogado nga siya sa law firm at anak ni ex-president." Narinig ko na salita noong inutusan.

"Sige pakawalan mo na sila."

Huminga ako ng malalim at dinaluhan sina Jeni na agad ko nilabasa istasyon ng mga pulis.

"ARE YOU even thinking, Dean? You're only twelve years old, for Pete's sake! Sa bar pa talaga at niyabang mo kilala mo si Dad." Sa penthouse ko sila dinala at ngayon para akong si Dad na kinagagalitan itong pamangkin ko. "Ito ba ang paraan mo para mapansin ka ng Dad mo? Why you didn't call him instead of me?"

Nakayuko lang si Dean at hindi nagsasalita. Malalim akong huminga na naantala ng pagtaas ni Jeni ng kamay. Hindi ko nagsalita at hinayaan lang siya sabihin kung ano ang balak niya sabihin sa akin ngayon.

"Hindi na ako minor pero bakit narito ako?" Yumuko ako saglit at sa pag-angat ng aking ulo ay agad ko tinapunan ng tingin si Jeni. "Peer pressure yata. May mga kasama siya na mga kaedad niya rin na bumili ng alak bago ko sila nakita sa bar. Na-tipsy lang ako kaya naabutan ako ng mga pulis."

"Dean, why are you doing this?" tanong ko sa pamangkin ko.

"I just want to be a normal kid. Their parents are allowing them to go out and hang out with other. While in our household, there's a different story. I have guards following me and a nanny who cares f,or me even at school. Do you know how my classmates bullied me for being different?"

Marahas na tumayo si Dean at iniwan kami ni Jeni sa living room.

Dean won't dare to go home today. Alam niya kung nasaan ang puwesto niya rito sa bahay ko kaya hindi na ako umangal ng pumasok siya sa kwarto nilaan ko para sa kanila na mga pamangkin ko.

"I am not swayed by peer pressure. I was enjoying myself out there when someone yelled police outside." Iyon ang paliwanag ni Jeni sa akin. "Hindi ko alam na cybersex den pala iyon. I swear, and you know me. I prefer sex in action than those in cameras."

"Can you tone down your voice? Narito pa ang pamangkin ko sa bahay."

"Pauwiin mo na kasi ako para hindi na niya naririnig ang sinasabi ko. Kailangan ko pa pumasok kahit half day."

"I'll drive you home," sabi ko sa kanya.

"Hindi na. Hindi mo naman ako girlfriend." Tumingin lang ako sa kanya ng seryoso. Lagi niya sinasabi iyon sa tuwing sasabihin ko na ihahatid ko siya. "Alagaan mo na lang ang pamangkin mo. May sugat siya sa paa, tingnan mo baka ma-impeksyon pa."

Iyon lang at tuluyan na siya umalis sa penthouse ko.

Naiwan ako na hindi malaman ang unang gagawin. I didn't expected this back-to-home Monday could be more stressful than work. Kailangan ko pa magpaliwanag kapatid ko at sa mga magulang namin kaya kailangan ko ang kooperasyon ni Dean.

Nabaling ang tingin ko sa cell phone ko na sunod-sunod ang pagtunog. Dinampot ko iyon saka binasa ang pumasok na mensahe.

From: Jeni Daria
I have a decision now. Meet me after you fix your problem at home.

From: Jeni Daria
I hate that you look attractive in your suit. All I want to do is to strip you naked.

From: Jeni Daria
Kunwari hindi mo nabasa iyong text. It's my frustration speaking, Attorney. 

Her Perfect ImperfectionWhere stories live. Discover now