Chapter Eight

140 8 0
                                    

CHAPTER EIGHT: YOU OWE ME AN O

Jeni

I AM busy reading the case file Thirdy handed a little while aho. I am currently checking what can I research to help him win the case. Masakit sa ulo itong ginagawa ko pero naman ako choice. Iinom na lang siguro ako ng gamot dahil mamaya mag-re-review pa ako bilang paghahanda sa LAE.

Tumayo ako at sinuksok sa buhok ko iyong hawak na lapis saka lumakad papunta kung nasan ang water dispenser. Baka kailangan ko lang ng tubig ngayon para mawala itong kirot sa aking ulo.

"Who did this to you?" tanong gumulat sa akin dahilan para mabitiwan ko iyong basong may lamang tubig.

"I'm sorry, Atty. Bakit ka kasi nanggugulat?"

"Answer me, Jeni. Who did this to your neck?"

Sinapo ko ang aking leeg at doon naalala iyong naiwang marka ng mahigpit na hawak ni Mico doon kagabi. Inalis ko ang lapis sa aking buhok at niladlad iyon para takpan ang parte ng leeg ko na may marka.

"Wala iyan. Napaso lang plantsa sa buhok kanina."

"It's a hand mark, Jeni. You cannot fool me. What happened last night when I left you?" Umiling ako at lumayo na kay Thirdy. Nakalimutan ba niyang nasa opisina kami ngayon? "Jeni -"

"Jeni, may bisita ka sa lobby. Boyfriend mo daw siya," ani Miss Angel na kinakunot ng noo ko.

"May boyfriend ako?" Tumawa si Miss Angel. "Kailan pa ako nagka-boyfriend?" tanong ko ulit saka binalingan si Thirdy.

Seryoso ang awra niya at matalim ang tigtig sa aking leeg partikular doon sa markang iniwan ni Mico. Bakit kasi hindi ko tinakpan ng make up kanina? Mausisa pa naman itong Thirdy kahit na kailangan at hindi niya ako titigilan kahit na anong mangyari.

"Huwag ka lumabas kung hindi mo sigurado kung sino ang nasa labas. Let me call the security at the -"

"Okay lang, Atty. Saglit lang ako sa labas. Babalik din ako agad, hm?" Iyon lang at tuloy-tuloy na ako lumabas para alamin kung sino ang bisita ko na nagpakilala pa na boyfriend ko sa lobby. Ito ang unang pagkakataon na may gumawa nito sa akin kaya lubos ang pagtataka. Isang pakiramdam na napawi ng makita ko so Mico sa lobby. "M-Mico?"

"Hi!" Lumapit siya sa akin saka niyakap ako dahilan para mapahakbang ako palikod. "Nakalimutan mo iyong ID mo sa apartment. Nagpunta na ako rito kasi baka kailanganin mo." A devious smile flashed on his face. Mali na sinamahan ko ang lalaking ito kagabi. Kitang-kita ko sa mga mata niya na parang sinasabi na sa kanyang lang ako dahil alam niya ang baho ng pagkatao ko.

Luminga ako sa paligid namin at nakita ko na lahat naman ay abala. "You can't be here," I hissed.

"Hindi ba alam dito kung sino ka talaga? Is he here? Iyong pangalan na tinawag mo kagabi imbis na pangalan ko."

"Umalis ka na Mico." Kinuha ko sa kanya ang ID ko na maling galaw pala dahil nahawakan niya iyong leeg ko.

"Nagmarka pala. I'm sorry. Pero ayos na rin para alam noong lalaki na may-ari ng pangalan na tinawag mo kagabi na akin ka lang." Hinawi ko ang kamay niya. "Thirdy. You called that name last night."

"Umalis ka na, Mico at hindi mo ako pag-aari."

Umiwas ako ng aktong hahawakan niya. Kaya ayoko na may ganitong reunion na nangyayari. Pero ano ba magagawa ko, tanga pa ako dati dahil huli ko na nalaman na dapat nagmaskara pa ako.

"You heard her, mister. Go away now. No one is allowed to bothered any employee of mine inside the premises of our firm," anang baritonong na tinig mula sa aking likuran.

It's Thirdy and he held my arm gently, pulling me behind his back. May mga miyembro ng security group ng kumpanya na na tumayo sa likod ni Mico kaya umatras na ito ng tuluyan.

Her Perfect ImperfectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon