Chapter Thirty-One

92 6 0
                                    

CHAPTER THIRTY-ONE: ASSOCIATE

Jeni

Several years later.

“SAAN ka galing kagabi?” tanong ko kay Czarina nang nag-a-almusal kaming dalawa.

Alam ko na inabot na siya ng madaling araw sa labas dahil gising pa ako noong umalis siya at makabalik. Hindi ko ba alam bakit parang namamahay ako bigla gayong ilang taon din naman ako nanuluyan sa condo ni Czarina. Kailan lang naman ako lumipat sa Isabela ulit para makapiling ang anak ko.

“May trabaho ka na ba ulit?” Pag-iiba niya sa paksa namin para sagutin ang tanong ko. “Hindi pa rin ako makapaniwala na sinagot-sagot mo ng gano'n iyong senior partner ng law firm na pinagtrabaho-an mo.”

“Misogynist kasi siya at nararapat lang iyon sa kanya.”

Natatawang tumayo si Czarina para kumuha ng maiinom namin. “Ano na ang plano mo?”

“May firm na ako sa Isabela at kailangan ko na lang mag-hire ng magaling na abogado.” Doon tumunog ang cell phone ko bigla at pumasok ang mensahe ng paralegal na naiwan ko sa firm ngayon. She said that someone sent his CV on our email and scheduled an interview when I comeback. “May nag-apply na pala.”

“Ang hihilingin mo na lang ay sana matinong abogado iyang nag-apply, tama?”

Tumango ako. “So, saan ka nga galing kagabi”

“Akala ko malilimutan mo na iyan. Nagkamali ako. . . hays. . .”

“Never. Saan ka nga nagpunta kagabi at inumaga ka na?”

“Kasama ko si Clarence. Nagpunta kasi siya dito ng biglaan at hindi niya kayo puwede makita. We stayed at the coffee shop down stairs, talking about the past.”

“Ang dami niyo namang pagku-kwento-han bakit iyong nakaraan pa?”

“Eh 'di ba natapos iyong sa amin sa pangit na katapusan? Kaya nga kita inaya sa Isabela para iwasan siya at ngayon lang din kami nagkitang dalawa.”

“Hindi naman niya tinanong kung nasaan ako 'di ba?”

“Nope. Puro tungkol sa akin lang ang tanong niya at sa mga ginagawa ko ngayon sa aking buhay.”

“Is he hitting on you again?” Nagkibit balikat lamang ang kaibigan ko. “Dahil may nag-apply sa firm ko, kailangan na namin bumalik ni Ford sa Isabela.”

“Sama ako. Humingi pa ako ng karagdagang leave sa airline kaya puwede ako gumala kahit saan.”

“Iiwas ka na naman?”

“Hindi ba puwedeng gusto ko lang na makasama ka at itong gwapo kong inaanak?”

“You hate my chattiness, Ninang,” Ford said, putting a little frown on Czarina's face.

“I hate his other roots. Habang lumalaki siya nagiging kaugali niya si Clarence.”

“Hindi kaya!” Sinubuan ko ng isang buong siomai si Czarina para manahimik na siya. Kung may dapat 'man na pagmanahan ang anak ko, kay Thirdy iyon. And day by day, Ford is acting more like his father in many aspect only I can see. “Bilisan mo na kumain diyan para makagala pa tayo bago umuwi sa Isabela.”

Marami pinapabili si Nanay dito na wala doon at hindi ako puwedeng umuwi na wala ang mga iyon. Mahigpit niya pinagbilin iyon at pati na iyong pagbabantay ng maigi sa kanyang apo.

“What if you'll see him here?”

“He's not here, Cha. Nasa De Luna Empire siya kasama iyong isa nilang kapatid.” Nakita ko na humalukipkip si Czarina sa harapan ko. “Nakita ko lang sa feed noong katabi kong pasahero kahapon.”

Her Perfect ImperfectionWhere stories live. Discover now