Chapter Twenty-Eight

77 4 0
                                    

CHAPTER TWENTY-EIGHT: TORN

Jeni

“KUMUSTA ka po diyan?”

Iyon ang diretsahang tanong ko kay Nanay nang tawagan ko siya matapos ang naging pag-uusap namin ni Mrs. De Luna. Itinuloy ko ang planong mag grocery kahit ang marami akong iniisip ngayon. Isa na roon ang nanay ko kaya tinawagan ko siya agad. Isa pa, may sinabi si Mrs. De Luna na isinama niya sa alok sa aking scholarship, titulo ng lupa at negosyo.

It concerned with the one who raped me that lead me to enter the world where pleasure has a price.

Griffin San Mateo.

“Ayos lang naman ako dito, anak. May problema ka ba? Bakit napatawag ka?”

Alam ni Nanay kapag may bumabagabag sa isip ko. Siya kasi ang lagi ko takbuhan na noon ay binibigyan ko pa ng sakit ng ulo. Kinupkop niya ako, binihisan at pinag-aral kahit hindi naman magka-ano-ano. Iyong tunay kong pamilya matagal na umalis ng Isabela matapos nila matanggap ang settlement money ng mga San Mateo.

“Na-miss ko lang po kayo kausap kaya ako tumawag.” Palusot ko lang dahil hindi ko naman puwedeng sabihin sa kanya ang bumabagabag sa isipan ko.

Ang totoo ay bilib na bilib na ako sa research skills ni Mrs. De Luna. Nagawa niya malaman na may problema kami sa lupain sa Isabela. Ang Nanay Remi ko kasi ang bunso sa kanilang magkakapatid.

Isang araw pumunta ang mga kapatid niya sa bahay at pinapirma siya matapos pangakuan ng malaking parte kapag nabenta ang lupain na pamana ng mga magulang nila. Naibenta ang lupain ngunit wala iyong parte ni Nanay Remi at namomoblema pa ngayon kaya gusto ko rin maging lawyer talaga kaso matagal pa ang bubunuuin ko.

I've asked several lawyers in the firm and they all say that our case is difficult. May dalawa pa akong hindi natatanong at iyon ay sina Thirdy saka Clarence. Buburahin ko na sa choices si Clarence kasi ayaw naman niya sa akin. And the only choice left is Thirdy.

Sasabihin ko ba? Pero may alok ang nanay niya sa akin.

“Umuwi ka kasi dito paminsan-minsan. Alam mo ba na nasabi ko na sa mga kapitbahay natin na mag-a-abogado ka?”

Napangiwi ako. Hindi muna niya dapat pinamalita pero mapipigil ko ba ang nanay? Siyempre hindi. Simula't sapul naman ay lagi na niya ginagawa iyon dahil sa kabila ng mga pinagdaanan ko, ako pa rin ang anak-anakan niyang matalino, madiskarte at may pangarap.

“Jeni?” Napatingin ako sa tumawag sa aking pangalan. “Jeni Daria? It's you. Whoa!”

Hindi ko maiwasang mapalunok ng masino ang lalaking tumawag sa aking pangalan. It was the man whom I'm thinking a while ago. He's with the man whom I've been avoiding since the last encounter we had.

Si Mico.

“You know her, Griffin?” Iyon ang narinig ko na tanong ni Mico.

“She's the girl -” Naputol ng paglapit ng isang pigura sa tabi ko ang dapat na isasagot ni Griffin. Nang balingan ko iyon ng tingin, bahagya pa ako nagulat ng makita si Clarence.

“Is there a problem here?” tanong ni Clarence na hindi naman nasagot nina Griffin at Mico. Fear crept into their face as if Clarence has a control to them. As if he's holding their dire lives. “Can I borrow this lady?” tanong pa ulit ni Clarence na sinagot nila ng tango.

Wala akong nagawa kung 'di sumunod sa kanya at magpasalamat sa isip na dumating siya para ilayo ako kina Griffin at Mico.

“I bet Thirdy doesn't know about them, right?” Clarence said, fixing his coat after we went out of the grocery store. Hindi ko tuloy natapos ang pamimili at naputol pa ang tawag namin ni Nanay Remi.

Her Perfect ImperfectionWhere stories live. Discover now