BIB - 53

12K 190 21
                                    

*ALLISON'S POV*

"Maya! Anong oras na. 6:00 na oh. 8:30 yung start ng party so baka mga 8 sunduin tayo ni Ivan sa hotel. Magaayos pa tayo!" I said. Jusko naman kasi. Kanina pa kami nandito sa mall pero wala pa din syang nabibili.

Nakabili na nga ako ng isusuot ko kanina pa at ako na din mismo ang bumili ng mga masks namin para matapos na sya kaagad sa pagbili nya pero hanggang ngayon hindi pa din pala sya nakakapili.

"Sorry Ally. Malapit na talaga. Last na tong botique na to. Kung may makita ako, promise, yun na talaga isusuot ko." she said.

Last na talaga kasi last botique na din to. Halos lahat nalibot na namin at lahat napasukan na namin pero wala naman syang mapili maski isa.

"Ally, is this okay?" she said then I looked at the cocktail dress she's holding.

"Oo. Maganda sya. Isukat mo na." I said. Maganda talaga yun. Mukhang bagay na bagay sa kanya pero naiinip na talaga ako.

After how many minutes, lumabas na si Maya from the fitting room. Suot suot nya yung cocktail dress. Maganda nga and I was right. Bagay na bagay nga sa kanya.

"Bilhin mo na Maya. It looks perfect on you." I said. Walang halong biro. Siguro tama nga din na hindi sya kaagad bumili kanina dahil nandito pala yung nababagay sa kanya.

Sana maging lalake na si Ivan mamaya kapag nakita nya si Maya. Bwahaha.

As soon as matapos mamili si Maya, naglakad na kami papunta sa hintayan ng taxi sa labas ng mall. Hindi ko nga malaman kay Maya kung bakit meron naman syang sarili nyang sasakyan pero mas gusto nya pa ding nagtataxi. Kung sabagay, may sarili din naman akong kotse pero hindi ko din naman nagagamit simula ng makabalik ako dito.

Awww. My baby.

Nandun pa din kasi yun sa parking lot ng condo. Hindi pa ko nakakapunta dun since I went back. I don't know. Hindi ko pa nga yata talaga kayang magpunta dun. Nandon lahat ng memories. Nandon lahat lahat.

"Ally, wala bang nabanggit sayo si Ivan kanina?" Maya asked ng makasakay na kami sa loob ng taxi.

Wow. Baka magkkwento na sya kung anong nangyari sa kanilang dalawa.

"Ha? What about?" I asked. Wala naman talagang nabanggit si Ivan pero baka sya na ang makakapagsabi kung anong nangyari sa kanila. Kung bakit ganon.

"Wala naman. Haha. Nevermind. Just forget it." she said then nagiba na sya ng topic.

Hindi ko manlang nalaman kung anong meron sa kanilang dalawa. Pero hahayaan ko na muna. Baka nagkaron lang ng misunderstanding. Bakit nga ba kasi ako nanghihimasok.

After 15 minutes nakarating na din kami kaagad sa hotel and we went straight to our room. Kailangan na naming magprepare ng mabilisan dahil ayoko na ring paghintayin si Ivan at baka mahuli pa kami sa party.

"Ally, una na kong maligo ha? Bibilisan ko lang talaga maligo. Mga 10 minutes kaya ko ng matapos." she said. Oo. Naniniwala talaga akong kaya nyang maligo within 10 minutes. Napatunayan nya na sakin yan kanina bago kami umalis papuntang mall.

Habang naliligo sya, inayos ko na lahat ng mga dadalhin ko. I checked my phone to see if nagtext na si Jad. Wala pa din syang paramdam. Actually, accidentally ko lang naman ding nalaman na may sakit sya.

~FLASHBACK~

"Ally!! Oh my god. Nasa hospital ngayon si kuya. Narinig kasi na may kalabog sa condo nya. Na parang may bumagsak at nabasag kaya inakyat ng mga security. Pagpasok nila nakita nila si kuya na puro dugo yung kamay tapos basag yung salamin nya." Maya said.

BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)Where stories live. Discover now