BIB - 57

11.6K 172 19
                                    

*A/N*

Pasensya na po ng maraming marami sa napakatagal pong update. Sana po ay maintindihan nyo. Sobrang naging busy lang po si author at madami lang pong problemang inayos. Mas madrama pa po talaga yung buhay ko kesa sa buhay ni Ally. Hahaha. Charot. Pero sa kabila po non, gusto ko pong magpasalamat ng sobra sa lahat po ng patuloy na nagbabasa. Sorry din po sa mga readers na beastmode na. Pasensya na po talaga.

*ALLISON'S POV*

"3,000 lang po ma'am. Magagawa din po ito agad. LCD lang naman po yung sira. Mukhang mataas po pinagbagsakan nito ah?" sabi nung nagrerepair dito sa mall.

Good thing I still got cash. Jusko talaga. I can't believe na sobrang daming nangyari sa buong gabi last night. Everything felt surreal. Hanggang ngayon hindi ko maimagine. Hindi ko pa din madigest kung ano ang mga nangyari. But I don't know. Kapag naaalala ko lahat ng nangyari last night, parang gusto ko na lang umiyak ng umiyak. Hindi ko kasi alam kung ano bang dapat kong maramdaman.

"Papagawa nyo na po ba ma'am?"

"Ay. Oo. Sorry. May iniisip lang." I said.

Wala nanaman ako sa sarili. Kanina pa ko wala sa sarili. Nung nasa taxi nga ako kanina at tinatanong ako nung driver kung saan ako, hindi ako nasagot. Ilang beses na pala syang nagtatanong sakin. Shit lang. Nakakabaliw naman kasi talaga yung situation ko.

After 15 minutes of repairing, naibalik din kaagad sakin yung phone ko. As soon as maopen yung phone at maopen ko yung password, sunod sunod ko ng nareceive yung mga texts ni Maya and ni Ivan simula pa kagabi. God! Sobrang napagworry ko sila. Jusko.

Nakicharge muna ko saglit dito kila kuya para makatawag ako kay Maya. I don't know where she is pero malamang sa malamang nasa hotel yan ngayon.

Nung umabot na ng atleast 25% yung charge, pinatanggal ko na kay kuya sa pagkakacharge. Nagpasalamat naman ako ng bongga dahil mukha naman silang mababait at medyo nakadiscount pa ko. Syempre ginamitan ko ng onting charms.

I dialled Maya's number right away. And to my surprise, wala pang tatlong rings, sinagot nya na kaagad yung call. She must've really waited for me.

"Ally! What the fuck. Sobra mo kaming pinagalala. Nasan ka? Are you okay? Saan ka nagstay? Oh my god. Sobrang worried kami sayo. Akala namin napano ka na. Tawag kami ng tawag. Nagriring lang." she said. Medyo hysterical na sya.

"Look, sorry pinagalala ko kayo. Pauwi na din ako. Actually nabasag yung screen ng phone ko. Nasira yung LCD pero everything's good now. Pauwi na ko dyan." I said. Medyo kalmado yung voice ko para naman maging kalmado din sya.

"Yes please. Bilisan mo na at marami tayong paguusapan. Sobra mo talaga kaming pinagalala. God!" she said. Then I ended the call.

Nagmadali na kong maglakad papunta sa abangan ng cab. I'm just holding my phone. Kelangan ko ng hawakan to ng mabuti. Baka mamaya malaglag nanaman tapos mabasag. No! Hindi na sya pwedeng masira. Medyo mabigat din sa bulsang magpagawa ng phone. Shit.

While I was rushing, bigla naman akong nabunggo sa isang girl.

"Ouch!" the girl said.

"Oh my god. Sorry. Are you okay?" I asked.

Inalalayan ko yung babae na muntikan pang matumba.

"Allison!!!!! Sissy!!!" I heard a girl who shouted my name.

Napatingin naman ako sa gilid and saw Patrisha.

"Patrisha! Sissy! Hi. Kamusta ka na?" I said then nagbeso beso kami sa isa't isa.

"Oh my god. Nagulat ako nung nakita kita. Wasn't expecting this. Buti naman nakita kita dito. Okay naman ako. Ito, me time nanaman. Hindi kami natuloy ni hon sa pag-aayos sa wedding namin." she said then she sighed.

BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang