BIB - 56

13.6K 260 54
                                    

*A/N*

Hello po readers! By the way, meron lang po akong gustong linawin. Si Ashley po, hindi po sya kapatid ni Kier. Si Ashley po ay naging fuck buddy po talaga ni Kier. Nakalagay po yun sa CHAPTER 3. Nawala lang po sya sa story ng matagal dahil hindi naman po talaga sya sa Pinas nakatira. Bale nakalagay po don na sa tuwing meron silang pangangailangan, nagkokontakan silang dalawa. Haha. Sana malinaw na po. 


 Ito na nga po pala ang update. Sorry kung natagalan nanaman ng pagpost. Hihi. 


*ALLISON'S POV*

"Please stay with me tonight." I said.

More like para akong nagmamakaawang makasama sya kahit ngayong gabi lang. Sinabi nya kaya sa girlfriend nya na nandito ako? Malamang siguro hindi. 

 Tumingin lang sya sakin ng matagal. 

Pagkatapos nun, umalis na din sya kaagad. 


Lumabas na sya ng kwarto at hindi nya na ko pinansin. Umalis na lang kaya ako dito? Parang hindi ko kaya tong sakit na nararamdaman ko ngayon. Parang gusto kong magwala. Gusto kong magpakalasing. Hindi kaya ng puso ko na makita na ganito kami. 


Kitang kita at ramdam na ramdam ko kung gaano nya ko kinakamuhian. 


 I gathered all my things.

 I checked my pouch and nakita ko na nandon yung phone ko. 

Wala namang nagtext or tumawag. 


Nasan na kaya si Maya at si Ivan? Hindi manlang nila ko hinahanap. Siguro akala nila nakikipagdate pa din ako sa lalakeng nagbid sakin. 


 I just sent them both a text. 

Same message. 


I told them not to wait for me anymore and I won't sleep at the hotel tonight. Kahit naman hindi pa nila ako hinahanap, kailangan ko pa din silang iinform para hindi sila magworry sakin. 


 Hindi ko na babanggitin sa kanila kung nasaan ako ngayon at mas lalong hindi ko na babanggiting gusto kong magpakalasing ngayon. Gusto kong pansamantalang makalimot. Bakit ba kasi kami pinagtagpo? Sobrang sakit na kaya. 


 Bago ako umalis hindi ko sinasadyang hindi mapatingin sa picture frame na nasa table sa ilalim ng tv dito sa kwarto na to. Picture ni Kier na nakatalikod habang may katabing babae na nakatalikod din. Magkaholding hands sila sa picture habang nasa beach sila. 

 Wow. They look really inlove. Sobrang sakit. 

 Sinuot ko na yung heels ko at patuloy na kong lumabas. 

Baka pinagtagpo lang talaga kami ng pagkakataon para ipamukha sa akin kung gaano nya kaayaw na makita ako. Ang tanga ko. Bakit ko ba sinabing magstay sya sakin ngayon. Sobrang imposibleng mangyari non. 

 Nakalabas na ko ng kwarto and saw na madilim na sa labas. Patay na lahat ng ilaw. Nasan kaya sya? Magpapaalam pa ba ko o aalis na lang ako? Hindi nya naman siguro mapapansing umalis na ko and at the same time, baka nga maging masaya pa sya na umalis na ko. 

 I'm looking for the door para tuluyan na kong makalabas dito sa bahay na to. Hindi ko na kaya. Sobrang sakit na talaga. Gusto kong umiyak pero walang luhang lumalabas sa mga mata ko ngayon. Ni hindi ko nga maintindihan tong nararamdaman ko. Basta gusto kong makaalis. 

BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)Where stories live. Discover now