BIB - 70

10K 164 18
                                    

"Finally, we're here. My butt hurts so fucking bad. It's still numb." angal ni Franco sabay tanggal ng shades sa mata nya.

Nakatayo lang ako dito sa tagiliran nya habang hawak hawak ko ang maleta ko at ang passport ko. After 5 years. Nakatapak muli ang mga paa ko dito.

15 kaming models all in all plus yung mga staff na kasama namin and ofcourse, Mr. Patricio na ngayon ay busy sa kausap nya sa telepono. I'm guessing na nakikipagcoordinate na sya sa magiging transport namin habang nandito kami sa Manila para sa event.

Naririnig ko naman ang mga kasamahan kong models na sobrang excited. Nakikita kong nagkukuhanan na sila ng pictures. Nandito pa kami sa loob ng airport. We were advised na magstay na muna dito sa loob dahil baka wala pa yung transport na susundo samin papunta sa hotel na tutuluyan namin sa buong stay namin dito.

I looked around.

I'm finally here. I can't believe it.

Dahil sa wifi access ng airport, nareceive ko ang mga messages nila Maya at Ivan sakin. They're too excited to see me again.

Mamaya na ko magrereply kapag nasa hotel na ko. Gusto ko kapag nagmessage na ko sa kanila ay may plans na ko. For now, hindi ko pa kasi alam ang schedule namin. So I can't make any plans yet.

"Ally? Allison? Oh shit. Oh my god! It's really you." nagulat ako sa boses ng babaeng nakatayo sa harap ko ngayon. Nakatuon kasi masyado ang atensyon ko kanina sa phone ko.

Unti unti ko namang tinaas ang ulo ko at nagulat ako. Si Sofia!

"Beb, look who's here. It's Ally." narinig kong tawag nya sa lalakeng busy sa pagpipindot sa phone.

Nagkatinginan kami ni Troy.

Napatayo ako sa kinakaupuan ko. Kanina ko pa dapat to ginawa as soon as nilapitan ako ni Sofia pero masyadong bumagal pagfunction ng utak ko kaya ngayon lang ako nakatayo para batiin sila.

Halos mahulog ang puso ko sa gulat.

Lumapit si Troy samin.

Nakipagbeso beso ako kay Sofia at niyakap naman ako ni Troy.

"Look at you, lalo kang gumanda Ally. And oh my god. Sobrang ganda mo sa mga photos mo. I can't believe na model ka na and sa Paris pa." tuloy tuloy ang pagpuri nya sakin. Hindi na ko nagulat. Mukhang nakita din nila ang mga nagviral kong photos sa magazine.

Magsasalita pa sana ako pero lumipat ang tingin nila sa katabi kong si Franco. Nakatingin lang samin si Franco. Oh shoot.

"Ah.. By the way Troy, Sofia, this is Franco. Franco, these are my friends here." pagiintroduce ko.

Tumayo naman si Franco at nakipagshake hands sya sa dalawa. Ngumiti naman sa kanya pabalik ang mga to.

Hindi ko alam kung bakit nagkakatinginan ang magasawang to at kung bakit nangingiti ngiti si Sofia. Pero hindi ko na pinansin yon.

"So, kamusta na kayong dalawa? Saan kayo galing?" I asked. Nandito din sila so meaning kakabalik lang din nila dito sa Pinas.

"Kakauwi lang namin galing Thailand. Second honeymoon lang matapos naming makabuo ng Troy Jr. Haha." sabi ni Sofia.

What?

May anak na sila?

"Wow. Congratulations. May anak na pala kayo. Hindi halata sayo Sofia." I said. Totoo. Kaya laking gulat ko nung sinabi nyang may anak na sila. Nakakatuwa naman.

"Yes Ally. Hindi halata no? Kakapanganak lang ni Sofia two months ago. Tagal kong nagabstinence kaya ito, nagyaya kaagad ako ng second honeymoon para masundan na agad." sabi ni Troy. Siniko naman sya ni Sofia ng sobrang lakas.

BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)Where stories live. Discover now