BIB - 44

18.7K 198 17
                                    

*ALLISON'S POV*

"Ally, wake up! Maya's here."

Nagising ako dahil sa pagtapik sakin ni Jad while I was asleep.

Fuck. My head hurts.

"Uminom ka pala kagabi." he said.

Hindi pa din ako tumatayo sa higaan ko.

Madami akong nainom kagabi kaya sobrang sakit ng ulo ko ngayon. Fucking hangover.

And, hindi alam ni Jad na uminom ako. He probably thought that I was already asleep last night nung dumating sya.

Well, after naming magpunta ng beach kahapon, hinatid nya na lang ako pauwi dito sa bahay. Hindi kami nagusap sa sasakyan. Walang pansinan.

I didn't feel like talking habang nasa sasakyan kami pauwi dito sa bahay kahapon. My day was totally ruined. First, yung pagyaya nya sakin na umuwi ng Pilipinas at yung pagsabi nya na gusto nya ng magpakasal kami. Second, yung balita na magpapakasal na si Kier sa iba.

"God Allison! Ang dami mong nainom. Gusto mo bang magpakamatay?" Jad said habang nililinis yung mga kalat ko last night.

Hindi ako makakibo.

"Ally! Buti gising ka na. Actually kanina pa ko nandito. What happened?" Maya said.

Oh right!

Nandito nga pala sya.

She went near me and she hugged me.

Maeexcite sana ako and matutuwa ngayong nandito sya pero sobrang sakit talaga ng ulo ko. Parang ilang beses inuntog sa pader.

BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)Where stories live. Discover now