BIB - 8

38.2K 315 4
                                    

*KIER'S POV*

We just got home from the mall. Nandito ako ngayon sa condo ni Ally para magmovie marathon while eating pizza.

Simula ng nagpunta kami ng mall hanggang sa makabalik dito, wala ng bukambibig kundi yong IVAN LIM na yon!!

"Ally, san ba yung photoshoot nyo bukas?" I asked.

"Uhm.. Sa The Fort bes. Entry kasi namin to para sa Poise Magazine. Kailangan galingan namin bukas para makapasok kami but I know kayang kaya ni Ivan yun. Hihihi." see? IVAN nanaman.

"Sama ako." oo. Sasama talaga ako. I want to see that Ivan.

"Ha? Bakit naman?" gulat nyang tanong habang sarap na sarap sya sa pagsunggab sa pizza.

"Bawal ba? Gusto ko lang manuod saka baka mamaya magkalat ka pa dun. Di mo pa nga nakikita yung Ivan na yun ganyan ka na. Baka magmukha kang tanga dun bukas kaya kailangan mo ng kasama."

"Tamang tama, kailangan ko rin ng katulong bukas sa gamit ko dahil marami akong dadalhin bukas. Sheez." sa gwapo kong to gagawin lang pala akong alalay.

Nanunuod kami ngayon ng romantic movie. Ano bang palabas to? A Walk To Remember daw eh.

Sa totoo lang, I don't really watch movies like this. Corny eh. Pumayag lang ako ngayon kasi nagmakaawa pa tong babae na to.

Kakayanin ko bang tumanggi?

Maya maya, nakita kong umiiyak si Ally.

"Huy, bakit ka naiyak?" nag-aalala kong tanong.

"Nakakaiyak kasi bes eh. *sniffs* ikaw, bakit di ka naiiyak?" iyak sya ng iyak. Seriously? I really don't understand girls.

Maya maya, dumikit sya sakin. Sumandal sya sa balikat ko.

Nagulat ako.

Maya maya, nakatulog na sya.

Ayokong gumalaw kahi nangangawit ako sa posisyon namin.

Hindi ko alam kung bakit ang sarap sa feeling ng ganito.

Bubuhatin ko na lang sya paakyat sa kwarto nya.

Nakahiga na sya sa kama nya.

Hay Ally. Ano bang ginagawa mo sakin? Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito.

Hindi ko malaman kung ano bang nararamdaman ko. Isang beses pa lang akong nainlove sa buong buhay ko.

Nung 3rd year high school kami, may classmate kami ni Ally na transferee. Si Kimberly.

Naging super close naming tatlo dahil kami ni Ally ang pinakaunang nag-approach sa kanya.

Madaming manliligaw yun si Kimberly. Pero marami rin syang nireject.

~FLASHBACK~

"Bes, mauna na ko. Andyan na service ko." pagpapaalam ni Ally sakin.

May service pa kasi sya nun.

Varsity ako sa school. Varsity ng basketball.

Natapos na yung game.

Nanalo yung team namin.

Pagpunta ko sa varsity room para kunin yung towel ko, nakarinig ako ng iyak ng babae at tawanan ng mga lalake.

Paglapit ko sa ingay, nakita ko yung mga nakalaban naming team pati si Kimberly. Hinaharass nila si Kim.

Nagalit ako.

Inaway ko silang lahat. Dumating na din yung mga iba kong ka-team at nagkaron ng sapakan.

"Kim, are you ok? Anong ginawa nila?" iyak lang sya ng iyak.

Hindi ko alam pero nung nakita ko syang nagkaganun, there's something about her that made me feel na kailangan nya ng taong magaalaga at magtatanggol sa kanya.

Hanggang sa tuluyan na kong nainlove kaso naloko ako.

Madami pa pala akong hindi alam sa kanya. Na kaya pala sya hinarass nung time na may game ako, kasi sya pala ang unang nag-approach sa mga lalake na yun.

Tapos nahuli ko sya na nakaluhod sa isang lalake sa likod ng school namin.

"Jiro, wag ka munang umalis. I wasn't cheating on you. I love you."

What the f*ck?

"Kimberly, anong ibig sabihin nito?"

Nagulat sya.

"Kier, sorry but si Jiro ang mahal ko."

After nun, hindi na sya nagpakita samin.

Pinilit kong magmove on.

Kaso mahirap.

First love ko kasi sya.

Kaya rin naging ganito ako. Mapaglaro ng babae pero di ko na rin pwedeng masabi na hanggang ngayon eh dahil pa din sa kanya dahil it became a habit already.

Hay.

I need to make sure kung ano tong nararamdaman ko kay Ally.

Ayokong makasakit at ayoko nang masaktan ulit.

BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)Where stories live. Discover now