BIB - 2

56.4K 476 8
                                    

Sakit ng ulo ko. Tangina. Halos 3 AM na din ako nakauwi sa condo ko. Kakaantay kong antukin si Ally eh ako ang nakatulog. Hanep na yan.

Sa totoo lang, hindi naman talaga iyakin si Ally kaya the fact na grabe ang iyak niya kagabi ay talagang nasaktan talaga yun. Gagong Jad.

I want to shove my fucking fist down that asshole's throat.

"Bro, what's up? Hindi ka pa nagsisimulang uminom mukhang may amats na agad ah." banat ni James sabay tawa naman ang mga tropa. 

Nandito nga pala kami ngayon sa bar ng isa sa mga lalaking bestfriends ko na si James. The great Jaime Gonzales. Sa lakas ba naman naming uminom ay naisipan niyang mag-venture na lang din siya sa ganitong business para lasing na, may profit pa. Iba din ang mindset.

Bukod kay Ally na nag-iisa kong bestfriend na babae ay meron din akong mga bestfriends na lalaki. Pero bihira lang na magsama both parties sa iisang okasyon. Unang una, sa sobrang protective ko kay Ally, nilalayo ko siya sa mga pilyo kong mga tropa.

"Bro! Kier! Allison has a boyfriend, right? What's his name again? Jad?" napatingin naman ako sa isa kong tropa na si Troy na kakabalik lang sa table namin ngayon. 

Sasagot pa lang sana si Troy nang bigla akong mapatingin sa kabilang lamesa kung saan nandun si Jad na may kasamang ibang babae. Nakaakbay siya habang humihithit ng sigarilyo. May iba pa silang mga kasama pero hindi pamilyar sa akin. 

Sa dalas namin sa bar na 'to, kabisado ko na halos ang mga mukha ng mga regular customers ni James dito. Pero hindi ang grupong 'to.

Tsk. Mga bagong salta. 

Muling bumalik ang tingin ko kay Jad na ngayon ay nakikipaghalikan na dun sa babae. Pakiramdam ko ay biglang nagdilim ang paningin ko kaya kusa nang naglakad ang mga paa ko sa direksyon nila.

"Hey! Hey! Easy, bro!" rinig kong sabi ng mga tropa ko sa lamesa namin.

Hindi na ako lumingon sa kanila at diretso lang ang lakad ko.

"Gago ka!" umamba na ako ng suntok pero mabilis akong napigilan ni James at Troy.

"Kier, bro. Stop! Wag dito." sabi ni James habang hawak hawak ang braso ko.

I composed myself. Ayokong mag-iskandalo sa bar ng tropa ko. Not now. Not here.

"Magpasalamat ka at nandito ka sa teritoryo ng kaibigan ko. Pero di pa tayo tapos." pagkasabi ko ay tumalikod na ako. Narinig kong nagmura si Jad when he finally realized kung sino ako.

"What the fuck was that, bro?" bulalas ni James. Alam kong nabadtrip siya sa ginawa ko dahil bago pa siya magtayo ng bar, nagkaroon na kami ng deal magkakaibigan na walang gagawa ng kahit anong gulo. 

"He cheated on Allison." still trying to compose myself.

"I knew it. Tangina, bro. Ilang beses ko na nakikita yan dito. Ngayon ko lang namukhaan." sabi ni Troy na napapailing ngayon.

"How's Allison? Does she know?" James asked.

"She's moving on." pagkasabi ko ay nag-shot ako ng isa pa at umalis na din kaagad ako.

Allison needs me right now. 

Gusto ko siyang bantayan. Alagaan.

I won't let Allison be hurt like this ever again.

Hinding hindi ko hahayaang masaktan siya ng kahit na sino kahit kailan.


BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)Where stories live. Discover now