BIB - 65

8.6K 176 26
                                    

"WHAT???"

Yan ang reaksyong nakuha ko mula kay Maya at kay Ivan nang ikwento ko sa kanila ang nangyari.

Nandito kami sa bar ngayong tatlo at wala akong ibang gustong gawin kung hindi ang maglasing. Dito ko idadaan ang pinagdadaanan kong sakit ngayon.

"Nakakatawa diba? Para talaga akong pinaglaruan ng pagkakataon." I said then tinungga ko ang bote ng beer na iniinom ko ngayon.

Napailing na lang ang dalawa at hindi na nakapagsalita. Mukhang shocked na shocked sila.

"I just want to leave this freaking country. Gusto ko ng magpakalayo layo! I've had enough! No. Hindi lang enough. Too much!" I said sabay tungga pa din sa iniinom kong alak.

"Ally naman. Wag mo naman akong iwan dito. Umalis na nga sila kuya papuntang US tapos pati ba naman ikaw aalis din?" malungkot na boses ni Maya.

Kakaalis lang kahapon nila Jad kasama ang parents nya. Sa US na ipapagamot si Jad. Wala masyadong progress dito si Jad kaya don na sya ipapagamot. And hopefully, gumaling na talaga sya.

"Andito naman ako girl." Ivan said sabay kindat kay Maya.

Napatingin lang ako sa kanilang dalawa.

Ramdam na ramdam kong medyo tinatamaan na ko dahil sa alak pero ito ang kelangan ko. I need this for me to forget the reality. The reality that my life is fucking me up. So hard.

"Talaga? Di mo ko iiwan?" Maya said.

Nakatingin lang sila sa isa't isa.

"Oo. Pagalis ni Ally gusto mo sakin ka na tumira girl." Ivan said.

Gusto ko sanang kiligin pero narealize kong nakakaasiwa palang tignan. Hindi naman ako nandidiri pero nakakabother makita na ganito sila sa isa't isa.

Baklang bakla si Ivan pero hindi na mabubura sa isipan ko na may gusto si Maya sa kanya at nagkiss na sila.

So may chance pa din talagang maging lalake si Ivan. At napagkikita kong confused na confused na talaga sya sa ngayon.

"Nakakadiri kayo." I said.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Maya.

"Grabe ka girl! Walang malisya. Gusto kong kasama si Maya dahil nakita ko ang set of make ups nya. Magpapamake up ako. Contour contour. Pak!" Ivan said then tumawa sya ng sobrang lakas.

Napailing na lang ako.

"Magpapabook na ko ng flight bukas." I said. Seryoso ako don. Ikakasal na si Tris at Kier in 2 days.

Gusto ko na lang magpakalayo layo.

Baka tuluyan na kong mabaliw dito.

"What?? Wag naman Ally." Maya said.

Seryoso na din silang dalawa.

"Kelangan ko to." I said.

Nagtataka nga ako dahil simula nung umalis ako sa ospital, yun na yung huling umiyak ako at inaraw araw ko na ang pagtambay sa mga bars. Nagpaparty lang ako, magpapakalasing, susuka tapos tulog na.

Helpful din pala talaga.

Kaya ngayon sobrang gets na gets ko na kung bakit ito ang takbuhan ng mga taong sawi sa pagibig. Dito ang takbuhan ng mga taong nafriendzone, nabasted, naloko, nangiwan, naiwan at higit sa lahat, ang taong kagaya ko.

Napatingin ako sa paligid.

Malamang karamihan dito nasaktan na rin dahil sa pagibig. Nawasak na din dahil nagmahal ng sobra. Pero hindi naman kasi sapat na mahal mo lang ang isang tao.

BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)Where stories live. Discover now