BIB - 55

11.1K 146 19
                                    

*A/N*


Guys, maraming salamat po sa mga comments nyo and sa mga nagmemessage sakin. Kung gusto nyo po akong kausapin pwede nyo po akong itweet sa @_cthqueen :) sobrang active po ako sa twitter kaya just tweet my anytime, anywhere. Hahahaha.


Btw, sorry po dahil hindi po ako nakakapaglagay ng dedications. Hindi po ako makapagdedicate kasi nagloloko po ang wattpad ko sa aking telepono. Ayaw magload ng mga previous comments kaya hindi ko po tuloy makita kung sino sino yung mga nagpapadedicate sa last chapters. Okay. UD NA PO!




*TRIS' POV*




"Hon, hindi tayo makakapagkita today. I'm really sorry. Sobrang busy ngayon. May pupuntahan pa kong event mamaya. Sorry hon!" he said.



Aww. Busy nanaman sya. I prepared something for him pa naman. Dibale, madami pa namang araw and makakapagkita naman na kami bukas nyan for sure kasi kailangan na naming ayusin yung wedding namin.


"It's okay hon. No problem. Makakapagkita naman tayo tomorrow diba? We have to meet our wedding coordinator right?" I said. I reminded him. Baka sa sobrang busy nya makalimutan nya na pati yon eh.


"Ofcourse hon. Hindi ko makakalimutan yon. Oh, I have to go na ha? I'll just text you. Okay? Love you!" he said. Nagbye na din ako sa kanya and ended the call.



He seems a bit off lately. I don't know. Baka sobrang pagod lang sya. Medyo parang naninibago lang ako sa kanya. Lagi kasi syang tahimik kapag magkasama kami and parang lagi syang wala sa sarili nya. I don't want to overthink pero naninibago lang kasi talaga ako.



Hindi lang siguro talaga ako sanay na spaced out sya.



Hindi ko naman sya matanong kung may problema sya. I don't know. Nakasanayan ko na rin siguro na hindi masyadong mangeelam sa personal nyang buhay. As his girlfriend, I still respect his personal life. Kung may personal syang problema, hindi ako nanghihimasok. I just let him tell me ng kusa. 



Siguro malaki lang kasi talaga ang tiwala ko sa kanya.



Alam ko naman kasing mahal nya talaga ako. Hindi ko man alam kung nakalimutan nya na totally si Ally pero I'm pretty sure na hindi nya na mahal yon dahil nandito na ko. Enough naman na siguro yung tagal ng pinagsamahan namin ni Kier para mapatunayang mahal nya ko. 




Siguro may part pa din na hindi nya makakalimutan si Ally kasi grabe naman talaga yung ginawa nung Ally na yon. Iniwan nya na lang bigla si Kier ng wala manlang paalam. Hindi ko kayang gawin kay Kier yon. Never.

BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)Where stories live. Discover now