BIB - 6

44.3K 406 8
                                    

Kier's POV

Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. It feels weird. 

"Hoy. Bestie, hindi mo naman pinapansin yang nilibre ko sayo. Kung ayaw mo, fine, akin na lang." nabalik lang ako sa wisyo nang magsalita si Ally.

Nandito kami ngayon sa isang night market malapit sa park kung saan yung photoshoot kanina. Maraming kainan at dito kami sa isang burger joint. As usual, ang dami nanamang inorder ni Ally.

Bakit ganun? Ang hot niyang tignan habang dinidilaan niya yung labi niya at habang kumakagat sa burger.

"Ha? Wag!" sagot ko sa kanya dahil naubos niya na kaagad yung kanya at balak yatang kuhanin 'tong akin.

"Minsan na nga lang ako manlibre ayaw mo pa samantalahin." tuluyan niya nang naagaw ang burger ko at ngayon ay sinusunggaban niya na.

"Sana all sinusunggaban." 

"Ha?"

HA???

Shit. Nasabi ko pala ng malakas.

Dahil sa kaba, napainom na lang ako ng tubig.

"Parang tanga 'to. Napapano ka ba?" binalik niya na yung burger sa plato ko.

I tried to change the topic. Hindi ko masasagot yung tanong niya dahil maski ako, hindi ko rin alam kung ano bang nangyayari sa akin. 

Somehow, may idea ako kung ano 'to. Pero sana mali ako ng nararamdaman.

Kung ano ano na ang chinichika niya sa akin ngayon and I'm glad na hindi na niya kinwento pang muli si Jad. Baka hindi ko rin kasi mapigilang ikwento kung ano yung nangyari sa amin nung isang araw. For sure, papagalitan ako nito.

Sinimulan ko na ring kainin yung burger kong nangalahati na dahil sa katakawan nito.

"Anyways, may isa pa kong chika sayo." see. Ang dami niya talagang mga kwento.

I gave her a what is it look.

"Well, since I'm single, I'm ready na din to mingle." bigla namang tumibok ng mabilis ang dibdib ko. Parang mini heart attack. Tangina. "At I think meron na kong napupusuan." when she said it, bigla naman akong nasamid.

"Hoy. Omg. Are you okay? Ito. Tubig." inabot niya sa akin yung tubig ko.

"Teka nga. Ano nga ulit ang sinasabi mo?" sabi ko habang nauubo ubo pa rin. 

"I said, meron na kong napupusuan. Pero crush crush pa lang naman. You know. Kilig kilig." napapangiti pa si gaga habang sinasabi yun.

Tss. Sino naman kaya yung tinutukoy nun? Baka pangit nanaman yung natitipuhan nito at mamaya babaero nanaman.

Minsan hindi ko rin talaga malaman sa babae na 'to kung bakit sa ganya niyang yan, sa mga pangit na kagaya ni Jad pa siya napunta. Kung saan saan pa natingin.

Nandito naman ako. 

"Kanino naman, Allison?" I answered.

Medyo kabado bente din ako sa isasagot niya.

What if ako pala yun? Edi maganda.

"Ivan. Ivan Lim, the model. I met him yesterday sa photoshoot event. Kasi he was really nice to me. Gentleman pa!" who the fuck is that Ivan Lim? Hindi pa naman ako gumagamit masyado ng social media. Pero matignan nga mamaya sa google.

"Sus! Just because someone was nice to you may gusto ka na kaagad?" kontra ko.

"Hey! Wala namang masama, bes. Saka sa pagkakaalam ko, single yun. Wala naman ding rumor na he's dating someone. So, technically, pwedeng pwede kami." hindi ko naman siya pwedeng pagbawalan o pigilan kung meron man siyang magustuhan.

"Goodluck." yan na lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

Hindi ko alam pero parang nangasim yung sikmura ko at nakaramdam ako ng inis.

Maya maya ay tumayo na ako.

"Oh. Saan ka pupunta?" she asked.

"Uwi na tayo." pagkasabi ko nun, she pouted.

"Wag ka nang ngumuso diyan. Baka halikan ko pa yan."

I left her there shocked.

BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)Where stories live. Discover now