BIB - 58

11.3K 201 11
                                    

Nakabalik na kami sa hotel pero mamayang gabi sa condo ni Jad kami magsstay ni Maya. Nadischarge na din kaagad si Jad. Inadvisan lang kami ng doktor na wag hahayaang maulit yung nangyari. Sobrang fragile daw si Jad ngayon.

Nanghihina because of chemoteraphy.

Siguro kung iba ang makakarinig, magtataka sila kung bakit parang si Jad lang ang mag-isang humaharap sa sakit nya. Actually, it's not like that. Binibisita naman sya ni Maya once in a while plus binibisita din sya lagi ng parents nila.

Sa ngayon wala lang talaga yung parents nila. Nasa business meeting abroad.

"Mukhang kanina ka pa aligaga dyan. Are you okay?" I asked Maya. Kanina pa sya palakad lakad. Hindi sya mapakali. Kanina pa din nagriring yung phone nya pero di nya naman sinasagot.

"Ha? Ayos lang ako. Don't mind me." she said.

Hindi ko na mabilang sa daming beses na nagring yung phone nya pero hindi nya talaga sinasagot. Natetempt akong tignan kung sino yung tumatawag tutal nasa kama lang naman yung phone nya.

"Sino bang natawag at ayaw mong sagutin? Baka mamaya importanteng call yan. Ano ka ba." I said. Sa daming beses syang tinatawagan nung caller, malamang importanteng call yon. Hindi naman siguro tatawag ang isang tao sayo ng sunod sunod kung walang importanteng sasabihin diba?

"Importante? Importante my ass." she said with a pataray tone. Nagulat naman ako sa naging reaksyon nya. Maski sya nagulat at nanlaki yung mata nya.

"Sorry sorry. Eh kasi naman. Naiirita na ko. Tawag ng tawag. Like hello, di ba obvious na ayokong makipagusap?" she said.

"Eh bakit di mo na lang isilent? Di ka ba nauumay sa tunog? Baka hanggang sa panaginip ko marinig ko yan." I said. Syempre nagbibiro lang ako.

Gusto ko lang mabawasan yung tension na nafifeel nya ngayon. Ayaw nya naman kasing magkwento sakin. Pero I won't force her. Maski naman ako madami pa kong hindi nakkwento. Yun ay because hindi pa ko ready magkwento.

After ilang minutes, hindi na ulit tumunog yung phone nya. Mukhang napagod na yata kakatawag sa kanya. Jusko ba naman kasi! I wonder kung ilang missed calls yon. God.

"Oh happy ka na? Hindi na natawag." I said while laughing.

Kinuha nya naman agad yung phone nya. Nakasimangot naman.

Ano bang problema nito?

"Magkwento ka na nga. Ako kanina pa ko nakakaramdam na hindi ka talaga ayos eh. Sige na. Makikinig ako." I said. Hindi ko din naman kasi matiis na nagkakaganito sya.

Napaupo sya sa kama and binitawan nya na yung phone nya.

"Okay fine. Magsasalita na ko." she said while she let out a deep sigh.

"Naguguluhan na kasi ako sa kanya Ally.." then she paused.

I remained silent.

Mas maganda siguro kung hahayaan ko lang syang magkwento.

"Hindi ko naman sinasadyang mahulog sa kanya Ally. Like, wala talaga akong plano pero ayon sya, sobrang sweet sakin isang araw, itatrato ka na para kang prinsesa then all of a sudden, bigla syang magbabago." she said. Nakaupo lang sya sa kama at napapansin kong patingin tingin pa din sya sa phone nya.

"Teka, who are we talking about ba?" I asked.

Syempre bago nya ituloy yung kwento nya, gusto ko munang malaman who is she referring to. Mas magandang alamin ko muna yon.

"Edi si Ivan. Sino pa ba." she said. Then she continued talking.

"Tanggap ko namang hindi sya straight na lalake at parang wala talagang chance na maging straight pa sya kasi sa saglit na time na nagkakilala kami, nakita ko kung gaano sya kabakla. Pero why is he like that?" she said then medyo lumungkot na yung mukha nya.

BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon