BIB - 59

11.9K 212 44
                                    

"Kier. Let's talk."

I just stared at my phone for so long.

I could feel my heartbeat racing. Yung mukha ko parang ang init init.

"Ally, what's wrong?" I heard Maya asked.

Pagkarinig ko sa boses nya, nabalik na ko sa wisyo.

I just looked at the two of them. They're both looking at me with such a curious and a worried expression on their faces.

"Ha? Wala. Everything's good." I said.

Pinilit kong magmukhang okay pero fuck! Ang hirap magpanggap na ayos lang ang lahat. Ofcourse hindi ko pa masabi sa kanila or at least kay Maya na si Kier yung tumatawag and nagtext. Paano ko sasabihin sa kanya yon.

Lumipas ang isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim na oras.

Still, hindi pa din ako nakakapagreply sa simpleng text nya na yon.

Anong isasagot ko?

Maya maya, nagtext ulit sya.

"I'll be waiting. Meet me tonight at 8:30. Just tell me where you are and I'll just pick you up. Please reply."

Muntikan ko ng maibuga yung iniinom kong juice.

Oh god!

Pakiramdam ko nanginginig yung buong katawan ko.

Should I be happy?

I checked the time and it's 7:45 PM.

Oh shit!

Just a few minutes away from 8:30.

Oh god! Oh god!

But I have to think fast. The time is running.

"Ally, sure ka bang ayos ka lang talaga? Kanina ko pa napapansin na parang may malalim kang iniisip. May problema ba?" nagulat naman ako sa biglang paglapit ni Maya sakin.

She just whispered to me.

"Ano ka ba. Ayos lang ako. By the way, lalabas lang ako mamayang 8. Is it okay? May mga bibilhin lang ako." I said. Kabadong kabado ako habang nagsasalita. I hope hindi nya mahalata na natetense ako ng sobra.

"You want me to come with you?" she asked.

No. No Maya.

"Ha? No. Wag na. Pag sumama ka edi walang kasama si Jad dito. I can go by myself. Ano ka ba." I said then I faked a giggle.

She just nodded. Bumalik na sya sa tabi ng kuya nya.

Jad is asleep now.

Sa buong time na nandito kaming tatlo, puro kwentuhan lang kami. Pinapatawa lang kami ng pinapatawa ni Jad the whole time. Ofcourse masaya ako pero deep inside, parang hindi ko makuhang sumaya. Naguguluhan pa ko sa mga nangyayari.

Malaya na nga ako kay Jad. May chance na ba talaga kami ni Kier?

I mean, sya pa tong tumatawag sakin and he's the one who's asking me para magkita. Like, what does it mean diba? Baka naman ito na yung second chance namin sa isa't isa. I should definitely grab it. Ayokong sayangin to.

Nakipagusap lang ako kay Maya not to make it obvious na iba talaga ang pupuntahan ko. Ayoko namang magmukha na nagmamadali ako.

I texted Kier.

"Meet me at the sushi place near my old condo unit."

Mas magandang hindi kami dito magkita. Ayoko ring makita nila Maya at ni Jad.

BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)Where stories live. Discover now