BIB - 4

48.2K 390 5
                                    

Allison's POV

I just woke up and fudge! Sobrang sakit ng ulo ko. It's throbbing. Langyang hangover 'to! Sino ba kasing nagsabing mag-inom ako. Huhu. I hate this feeling. First time ko lang 'to!

Suddenly, I felt my phone vibrating. What the hell. It's past 2 PM already. Kaya pala kumakalam na din ang sikmura ko.

"Yes?" I picked up the call. Kier, my bestfriend, is on the other line.

"Thank God you're already awake. Kanina pa ako tumatawag sayo. I am so worried!" huh. Kanina pa siya tumatawag? I checked my call log and totoo nga. May 8 missed calls mula sa kanya. Clingy lang?

"Kakagising ko lang." walang gana kong sagot.

"Inom pa! Akala mo naman talaga malakas. Anyway, magpahinga ka na lang today and please, do eat." nakarami ba ko? Shet. Nagpaalam na din ako sa kanya agad para magtingin ng makakain sa fridge.

So, ganito pala ang hangover huh. Nalasing din ba si Kier? Pero malamang hindi. Tumatagal yun hanggang umaga sa inuman eh.

Well, inaantok pa din ako ngayon ng slight but I don't want to go back to sleep anymore. I've had too much sleep already. I was asleep the whole day. Kalahating araw ang nasayang ko.

Napatingin naman ako sa dining table ko at nakita ko kung gaano karami ang mga lata ng beer na nandun. Dang! Did I really plan to drink all of that? Ugh! Never again. Just imagining the smell of it, nasusuka na kaagad ako. Kung hindi lang talaga ako nagluluksa. Hay.

I decided to just order food since wala rin akong energy magluto. Bukod sa wala na rin talaga akong stocks dito sa condo.

After eating, I cleaned my whole place. Sipag sipagan ako today despite this fucking hangover. Well, unti unti rin namang naglaho ang sakit ng ulo ko. As much as possible, I want to keep myself busy din. Distraction is a must!

So, what do I do now? I checked the time again and it's already 5 PM. Thank God at wala rin akong any scheduled shoots today. I am currently pursuing my passion which is photography. I took up mass communication course and after I graduated last year, I decided na ituloy tuloy na ang pagkuha ng mga gigs.

Nung una naging hobby ko lang siya hanggang sa marami na akong nakilala na full time photographers and madalas na nila akong isama sa mga raket raket nila all over Pinas. Meron din kaming small group ng photography enthusiasts at ako ang bunso sa grupo. I just turned 22 kasi this year.

Pero last month, I signed a contract with a magazine company. Full time working na ako dun yet I still accept mga small gigs. Extra money na din. Kaching! Kaching!

Maya maya, narinig ko ang pagtunog ng phone ko. Thinking that it was Kier, muntikan ko nang sagutin yung call. Buti na lang tinignan ko muna dahil ang natawag pala ay si Jad. My boyfriend. Ay. Ex boyfriend na pala as of today.

Dahil hindi ko sinagot ang tawag niya, nagtext siya.

Jad: Allison, can we please talk? I want to talk to you so badly. I miss you. Hindi ko kaya ng wala ka. Please. Pagbigyan mo na ako.

Miss niya daw ako? Ulol.

Hindi mo kaya ng wala ako o hindi mo kayang mabawasan ng babae sa buhay mo?

I decided to finally block his number sa phone ko and same goes with my social media accounts. Hindi siya active sa social media accounts niya habang kami but mas maganda kung pati dun hindi ko na siya makikita.

Jad is my long term boyfriend. 2 years na kami ni Jad. He went to the same university as me in college. Siya din ang first boyfriend ko. Late bloomer kasi ang beshie niyo. Halos 3 months ding nanligaw sa akin then finally, sinagot ko. During college days, nakakarinig na talaga ako ng mga kwento about sa mga pinormahan ni Jad sa iba't ibang courses. I just chose to ignore.

Kasi habang kami naman, he gave me the assurance. And hindi naman din ako nag-aask.

So, understandable naman siguro kung bakit ako nagkakaganito ngayon. Of course. I still love him pero we can't be together anymore. Why? Because he cheated on me.

The damage has been done already and my trust has been broken badly.

Nakakatawa kasi napakadali ko lang nahuli na niloloko niya ako.

I saw him. Yes. I saw him with my two eyes. Kitang kita ko ang pambababae niya.

Sinama kasi ako ng mga college friends ko sa isang bar sa Makati. I don't really go to these places kasi unang una, maingay, magulo, amoy alak, amoy sigarilyo. I can still recall kung ilang beses akong pinilit na sumama dahil birthday ng isa naming kaibigan.

Pagkapasok namin sa bar, as expected, napakaraming tao. Amoy na amoy ko kaagad ang sigarilyo. Pero since bihira lang naman din ako sumama sa ganito at nandito na rin lang ako, might as well enjoy it na lang din. Ayoko namang maramdaman ng mga kasama ko na hindi ako nag-eenjoy. Ayoko naman maging KJ.

As we were walking towards the table that was reserved for us, aksidenteng nahagip ng mata ko si Jad pati yung isang babae. Matagal ko munang tinitigan yung lalaki to make sure tama ako. Hanggang sa nakita ko how he kissed the girl he was with. They were kissing torridly. Nakita ko rin kung paano lumibot ang kamay ni Jad sa legs at sa bandang likuran nung babae.

I was stunned. Hindi ako nakapagsalita. Thankfully, hindi napansin ng mga kasamahan ko si Jad. Otherwise, hindi ko alam kung paano ako magrereact. More so, ayokong magmukhang tanga or kawawa or whatever.

The rest, ayoko nang alalahanin. Basta sa pagkakaalala ko, umalis din kaagad si Jad at yung babae. Wala pang ilang minuto mula nang makaupo kami sa pwesto namin ay nawala rin naman sila kaagad dalawa. Kung saan man sila nagpunta, hindi ko na tinangkang alamin.

The funny part was hindi rin aware si Jad that time na nakita ko siya. Hindi ko rin naman kasi nabanggit sa kanya na sasama ako sa lakad na yun.

I couldn't even fathom what I was feeling that night. I already knew that Jad and his circle are into clubbing. But since hindi ko nga hilig, hindi ako sumasama. And oo nga pala. Hindi rin naman niya ako niyayaya.

Sobrang sakit. Hindi ko alam how I was able to get through the whole time I was there. Where I had to pretend that nothing happened in front of my college friends. Pero when one of them asked kung kamusta kami ni Jad, yun na ang hudyat para umalis na ako.

Now that I think about it, makirot pa rin. Ano, porket hindi ko nabigay ang mga gusto niya, sa iba niya kukunin? Oo. I admit, hanggang kiss lang talaga ang nabigay ko sa kanya. I tried to go a bit beyond that pero since I promised myself na ibibigay ko lang yun sa mapapangasawa ko, never kong pinush. It was my personal choice to remain that way until I get married.

That's why some of my friends call me manang. But that's just the way I am.

BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)Where stories live. Discover now