BIB - 23

26.9K 277 16
                                    

*IVAN'S POV*

(Oh my god author!!! Finally nagkaron din ako ng POV. Maraming maraming salamat sa opportunity na to. Susulitin ko to ng bonggang bongga at sana hindi pa to ang last! MWAAAAA!!! LABYU!!!!)

Masaya ako na everything is going according to the plan.

YES!!!

PLAN.

Unang una, napatunayan ko kay Ally na inlove na sa kanya yung bestfriend nya. Kaso itong gaga, ayaw pang itake ang chance. Nako ha? Kung ako lang si Ally, go na go na ako kay Papa Kier! Aba! Ano pa ba ang hahanapin nya?

Gwapo, mayaman, macho, yummy.

Pero syempre, naiintindihan ko si Ally. Hindi rin naman basta ganun ganun lang yun. Napakatagal nilang magbestfriends. Kabisado na yata nila lahat ng bagay tungkol sa isa't isa eh.

Ultimo mga sikreto ng isa't isa, alam nila kaya mahirap din na bigla na lang maging sila.

Well, sinadya ko ang lahat na mangyari.

No. Hindi ako kontrabida okay?

Nagtulong-tulong kami. Ako, si James, si Troy and si Sofia.

Oh, gulat kayo no?

Syempre! I have connections!

Right after magusap ni Kier saka ni Ally sa Wave 54 three nights after, gumawa na ko ng move. Syempre napamahal na din ako kay Ally. Gusto ko silang tulungan dalawa.

Every night nagkikita kami nila James, Troy at Sofia para pagusapan yung magiging plano. And yes, alam na nila na beks ako. Masaya rin sila kasama. Go na go din sila sa plano ko dahil alam nila kung ano ang nararamdaman ni Kier para kay Ally.

Si Ally na lang ang kulang.

Kagaya ngayon, nandito nanaman kami sa secret hideout namin.

Nandito kami sa condo ni Sofia. Dito lang kasi hindi nakakapunta si Kier dahil wala naman syang dapat puntahan dito. Sa pagkakaalam naming apat, nagpapakabusy si Kier sa company nila. Nagpapakasubsob dun para hindi madepress kakaisip kay Ally.

Nakaisip ako ng plano.

"Guys! May naisip ako." excited kong sabi. Nakakaexcite naman talaga! This is it.

Nakatingin lang sila sakin. They're waiting.

"Ano kaya kung palabasin natin na aalis na si Kier?" sabi ko. Well, medyo iniisip ko pa din kung ano ang magandang plano. Syempre kailangan ko rin ng suggestions nila.

"Saan naman? Anong sasabihin natin chaka pano?" tanong ni James.

"That sounds good Ivan! Kunwari pupunta ng ibang bansa si Kier. Syempre we won't let Kier know kasi titignan lang natin yung magiging effect nun kay Ally. Kung sasabihin kasi natin kaagad kay Kier na ganun ang plano, baka umasa yun!" singit naman ni Sofia.

Nakita kong napatango-tango sila.

"Saang bansa naman?" tanong ni Troy.

"CANADA!!" sabay namin sigaw ni Sofia.

Nagkatinginan kami at bigla na lang kaming natawa sa isa't isa.

Actually, medyo magkakilala na talaga kami ni Sofia dahil nasa iisang industry lang kami. Nagkasama na kami before sa isang photoshoot. Photoshoot about mother earth. Yung puro greens. Ganun.

Nag-agree kami sa plano na yun.

Kunwari pupunta si Kier sa Canada. Bukas na namin sasabihin kay Ally. Si Kier, wala pa ding kaalam-alam. Hahaha. Kawawang Kier. Walang kaalam-alam na pupunta sya ng Canada. HAHAHA.

*KINABUKASAN*

Tinawagan ko si Ally. Sabi ko sa condo nya ko maglalunch. Kailangan bantay-sarado na ko kay Ally dahil ngayon na namin gagawin ang so called plan namin. Excited na ko!! WAAAAA!!!

Dumating na ko sa condo nya ng 12:30 PM. Kumain na kami at nagkwentuhan hanggang sa napunta kay Kier yung topic. Kinukulit ko sya na kausapin nya na si Kier. Syempre alam ko nang hindi nya kakausapin si Kier kahit anong pilit ko.

Which is true. Ayaw pa din talaga nya kausapin si Kier. Hindi man nya direktang sabihin na ayaw nyang makipagusap, sa gestures na ginagawa nya, talagang ayaw nya pa din talagang makipagusap.

Ewan ko ba sa babae na to kung anong ginaganto ganto nya!

Tinext ko na si Troy.

"Tawagan mo na si Ally. Now na." I said.

Oo. Pinatawagan ko si Troy kay Ally para sabihin kay Ally na ngayon ang flight ni Kier papuntang Canada. Naku! Sana hindi mabulilyaso!

Maya maya pa, nagring na yung phone ni Ally.

Habang magkausap sila ni Troy, nakita ko yung lungkot sa mukha ni Ally.

Maya maya pa, niyaya na ko ni Ally na lumabas. Pupuntahan daw namin si Kier sa airport para makapagusap daw sila.

WAHAHAHAHA!!! Hindi rin pala matitiis.

Nung papunta kami sa sasakyan nya, sadyang binagalan kong maglakad. Hindi naman nahahalata ni Ally dahil tarantang taranta sya sa mga gagawin nya. Hindi sya magkandaugaga. Sorry Ally kung ginaganito ka namin pero para rin sa inyo to ni Papa Kier. Huhu.

Pagsakay ko sa sasakyan nya, pinaharurot nya kaagad.

Wow! Aggressive much!

"Girl, chill! Baka naman maaksidente tayo kapag masyado kang nataranta dyan. Oh no! Hindi pa ko ready madeads ah. Kailangan ko pa makahanap ng boylet. Kailangan ko munang magladlad sa madlang pipol. Huhuhu." pagiinarte ko.

Syempre kailangan ko rin umarte para dagdag intensity.

Hindi naman nya ko pinansin.

Nakita kong tarantang taranta na talaga sya. Plus super traffic pa. BWAHAHAHA! Actually, ang plano kasi is dapat hindi sya umabot sa "3:00 PM" na flight ni Kier. Syempre, dun nga namin makikita kung ano magiging reaksyon nya eh.

Well, 3:10 na kami nakarating sa airport. Aba! Napakarami naming adventures ah?

Actually, nandito lang kami sa labas. Nagulat ako ng bigla na lang nagiiiyak tong si Ally at sumalampak sa lapag!

"Uy girl! Tumayo ka nga dyan! Pinagtitinginan ka na nila oh! Para ka namang anak na iniwan ng tatay para magabroad!" natatawa kong sabi. Oo. Nakakatawa talaga.

Hindi ko naman kasi akalaing magkakaganito to eh!

Chaka actually, nandito rin sila James, Troy at Sofia. Nasa parking lot. Nagmamasid. Hahahaha. Sorry! Ganyan kami kaprepared para sa tagpong ito.

Iyak lang ng iyak si Ally.

Maya maya pa, nakatanggap ako ng text mula kay Sofia.

"Girl, vinideohan nila yung nangyayari dyan. Proof daw."

Natawa ako bigla.

Hala sige Ally! Iiyak mo lang yan. Push lang ng push.

HAHAHAHAHAHAHA.

*A/N*

Sorry guys! Medyo sabaw. Pero sana magustuhan nyo yung UD nito. Kailangan talaga ng POV ni Ivan para malaman nyo ang mga pangyayari. MEHEHEHE. LABYU GUYS!! LOVELOVELOVE. ♥

BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)Where stories live. Discover now