BIB - 37

20.6K 211 12
                                    

*A/N*

Hello readers! 100k reads na tayo. Congratulations satin and thank you so much! Salamat sa pagbabasa kahit madalas magtagal ako magUD.

Ito na guys!

*KIER'S POV*

Tangina naman oh.

Bakit ba nagkakaganito mga nangyayari? What the actual fuck?

At first, everything was perfect. I have Ally, I have everything I could ever ask for. Then the next thing I knew, sira na lahat!

Sira na yung tiwala ni Ally sakin. Sira na yung relasyon namin. Sirang sira na din ako. Ang sakit sobra dahil ngayon ko lang to naramdaman sa buong buhay ko.

Ohhhhh.

Naramdaman ko na din pala yung ganito kasakit. Pero hindi as in ganito. Almost lang.

When my mom left us.

Oo. She left me and my dad when I was still a little kid. So I grew up with my dad na talaga.

I don't know kung nasan na yung nanay ko and to be honest, I don't care. Why would I? Sya ba may pakeelam?

Basta ako masaya ako na kami lang ni dad ang magkasama.

Pero enough of that.

Matagal ko ng binaon sa limot yung nanay ko. Kaya hindi ko na dapat sya iniisip pa.

Fuck!

Malapit na kong mabaliw dito sa condo ko. Ilang araw na kong hindi kinakausap ni Ally.

Hindi ko alam kung ano na ba kami eh. Kung break na ba kami o hindi kasi shit naman! Hindi naman nya ko kinakausap!

Kasalanan to ni Maya!

Pero kasalanan ko din.

Napakatanga ko. Masyado akong naging mahina. Hindi ko manlang naisip na si Ally, sobra ng nasaktan ni Jad noon.

Galit na galit pa ko kay Jad nun pero ganun lang din pala ang gagawin ko kay Ally.

Napakagago ko.

Pero yung nangyari naman samin ni Maya, napakatagal na nun. Kung nagkakasama man kami lately, wala nang malisya sakin yun. Kinalimutan ko na lahat ng nangyari samin.

Para sakin, sya si Maya. Sekretarya ng pinsan ko. Nothing more, nothing less.

Nung officially na kong nagtatrabaho sa kumpanya namin, napapansin kong lagi na ding dumidikit si Maya sakin.

Pero hindi mo naman maiisip na nilalandi ka nya. Hindi mo maiisip na may malisya yung mga ginagawa nya dahil puro kabaitan naman ang pinapakita nya kapag nakakasama mo sya.

Hindi ko din naman iniisip na may gusto syang mangyari ulit samin dahil tapos na yun. Babae sya kaya di nya siguro gagawin yun.

Pero nagkamali ako.

Hindi ko alam! Naiinis ako. Nagagalit ako sa mga nangyayari. Kasalanan ko tong lanat eh.

Kailangan kong ayusin to.

Hindi ako papayag na tuluyan kaming magkasira ni Ally. Kakausapin ko na din si Chad.

Sasabihin ko sa kanya yung sitwasyon. Baka sakaling matulungan nya ko para magkaiwasan na kami ni Maya.

*KRIIING!!! KRIIING!!!*

I looked at my phone.

Nabuhayan ako ng loob. Baka si Ally na to.

Pagkatingin ko, si Maya.

Si Maya yung tumatawag!

What does she want this time?

BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)Where stories live. Discover now