BIB - 61

14.1K 263 59
                                    

*A/N*

At dahil pang-9 ang BIB, magpopost po ulit ako ng update. Sobrang nagulat po ako. Noon masaya na ko nung nakita kong 20+ reads na yung story na 'to. Masaya na ko na merong nakakaappreciate sa story ko pero ngayon, umabot na po sa 9th spot. Kaya maraming salamat po! I can't thank you enough guys.

Itong chapter po na 'to, POV pa din po ni Kier. Enjoy! :-)

(I dedicate this chapter to Palku_011)

*KIER'S POV*

*BZZZT!!! BZZZT!!!*

Ang ingay naman. Natutulog pa yung tao eh.

Pilit kong dinilat yung mata ko and I realized na yung phone ko pala yung natunog. I looked at my wall clock and napabalikwas ako sa kama. Holy shit! It's already 1:30 PM. What the fuck! Bakit hindi manlang ako nagising kanina.

Pagtingin ko, si Carlo yung natawag. My secretary.

"Sir Kier? Saan na po kayo? May meeting pa po kayo mamayang 3 PM." he said. Goddamnit! Sira na ba 'tong telepono ko at hindi manlang tumunog yung alarm?

"Yes. I'll be there." I said then I ended the call.

I looked at the settings. Gusto ko lang makita kung talaga bang nakapagset ako ng alarm o sadyang nakalimutan ko lang. Ni hindi ko na nga din maalala kung paano ako nakauwi kagabi. Medyo nalasing ako kagabi.

Nakipagkita kasi ako kay James at Troy kagabi.

~FLASHBACK~

Tangina. Naubos yata yung brain cells ko sa pakikipagusap ko kay Atty. De Leon. Abogado kasi 'to nung apat na sinisante sa company namin. Napatunayan na talagang nagnakaw sila sa finance. Magkakasabwat silang apat.

Syempre ako hindi naman talaga ako nakikipagusap tungkol sa mga ganong issues. Pinahandle ko yon sa manager ng company. Nirereport lang sakin pero hindi ako ang humahawak sa kanila. Pero since I'm the son of the owner, ako ang humarap kay Atty. De Leon. Sadyang naubos lang yung brain cells ko.

I called James. Gusto kong magchill.

Nandito na ko sa bar ni James. Actually dalawa na yung bar nya. Mas madalas na silang natambay don sa pangalawa lalo na kapag kasama nila mga partners nila pero kapag kaming tatlo lang, dito lang kami palagi sa unang bar nya. Dito ako mas komportable eh.

After 30 minutes, nakarating na din si James dito. Buti na lang at hindi busy si gago kaya nakapunta kaagad. After ilang minutes, dumating na din si Troy. Muntikan na nga yata akong halikan dahil sa sobrang pagkamiss nila sakin.

"Tangina mo pre. May announcement ako kagabi. Wala ka naman." sabi ni James na medyo nagtatampo tampo pa yung boses. Lakas makabakla.

"Sorry na. Kiss pa kita. Gusto mo? Gago. Alam mo namang sobrang busy talaga. Wala na nga din akong time masyado kay Tris pare. Bumawi lang ako sa kanya non." I explained.

"Nga pala bro.. Hindi ko alam kung dapat ba naming sabihin sayo 'to." biglang nagsalita si Troy. Medyo napapansin kong nagkakatinginan pa silang dalawa. Parang ayaw nya pa yatang ituloy kung anong sasabihin nya.

"Kasi bro.. Si.." tuloy ni James.

"Si Allison ba yan?" I said.

Kapag binabanggit ko yung pangalan nya, masakit pa din. Kaya nga hindi ko na binabanggit yung pangalan nya pero dahil ayaw magsalita ng dalawang 'to, ako na ang gumawa ng pabor para sa kanila.

"Nandito sya pre. Sinurprise namin sila kahapon sa hotel na pinagsstayan nila. Binalita lang samin ni Ivan. Syempre naging kaibigan din namin sya pre kaya sumama kami and ininvite din namin sya kagabi." explain ni James.

BESTFRIENDS In Bed (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon