Chapter One-Mr.Williams

2.7K 61 2
                                    

[A/N: Si Baby Jasper John Carter po ang nasa picture ^_^]

---Carter Family, Ang mag-asawang sina Josephine Romero Carter (pure Filipino) at Ash David Carter (Half American and half filipino)---

Tick tock

Tick tock

Tick tock

Kasalukuyang nasa operasyon si Josephine sa St. Louis' Hospital. Ngayon ang pinakamasayang araw para kay Ash David, sapagkat sa tagal ng buwan ng kanyang hinintay ay makikita na niya ang kanyang anak.

Tila hindi siya mapakali at hindi na mabilang ang pagsulyap niya sa orasan.

Kahit wala man sa operating room ay tumatagaktak ang pawis na namumuo sa kanyang katawan.

Mahigit ilang oras na siyang nakatayo, paikot-ikot sa daanan at tanging mga hiyaw lang ng kanyang asawa na si Josephine ang kanyang naririnig.

"Arghhhhh!!..Ahhhh!!" sigaw ni Mrs.Carter. Nakailang kapit na siya sa tela at muling sumigaw kasabay ng pagligo niya sa kanyang pawis.

"More Mrs.Carter!" sigaw ng doktora. 

"Aaaahhhhhh!!!!"

Hindi mapigilan ni Josephine ang mapakagat sa kanyang labi dahil sa labis na pananakit na kanyang nararamdaman.

At dahil sa patuloy na pangungumbinsi ng doktor, nakarinig ang lahat ng isang malakas na pagiyak ng sanggol.

Ilang minuto ang nakalipas lumabas na ang bata...

"It's a baby boy!" sabi ng doctor at nakangiting ipinakita ito sa kanyang pasyente.

Napangiti naman si Josephine, bago ipikit ang kanyang mga mata dala ng pagod sa pagsilang ng anak.

Matapos putulin ang puson at linisin ang bata ay napagpasyahan ng doktora na lumabas na ng operating room.

"How's my wife?" pagaalalang tanong ni Ash David.

"She's fine Mr. Carter dahil successful po ang operation. Malusog pong nailabas ang bata, Congratulations Mr.Carter for your baby boy, please excuse me..." sabi ng doktorang nakangiti at umalis na.

Hindi nagtagal at matapos ng ilang oras na paghihintay ay pumasok siya sa panibagong kwarto kasama si Robert (bestfriend ni ash, para naring kapatid) at nadatnan nila si Josephine na karga karga ang bata.

"He's handsome and tall just like me" sabi ni Ash na tuwang-tuwa pa bago tuluyang lumapit sa kanyang asawa.

"Huwag kang maniwala sa papa mo, madalas mambola 'yan" pangangasar ni Josephine habang tumatawa.

"Hahaha, kayo talagang magasawa, sige maiwan ko muna kayo at bibili lang ng makakain" pamamaalam ni Robert.

"Okay, Pakilala mo ko sa nililigawan mo ah?" pangaasar ni Ash sa kanyang kaibigan dahilan para magselos ang kanyang asawa.

Malakas naman siyang hinampas ni Josephine ng lampin.

"Ash Ikaw talaga, hmp! Huwag na huwag mong hahawakan itong bata ha." pagbabanta ni Josephine sa kanyang asawa, natawa naman si Ash sa kanyang nakita lalo na sa tuwing naasar ang asawa niya.

"I'm kidding alright, I'm just happy, lalo na at nagkaroon na tayo ng anak after 100 years" biro ni Ash habang tumatawa.

Lalo lang lumakas ang pagtawa niya nang makita niya na namang nakakunot ang noo ng asawa.

"100 years ka dyan! Bahala ka nga! Magdivorce na tayo!!" sigaw ni Josephine.

"Sorry wife, I'm sorry, okay? Alright, I'll stop"

My Boyfriend Is A KillerWhere stories live. Discover now