Chapter Fifty- Death Is...Near (part 1)

383 9 2
                                    

[A/N: Part 1 lamang po ito. Ibig sabihin may Part 2 pa po. Enjoy! :)]

-Abigail's PoV-

Ang sakit sa dibdib.

Sobra.

Bigla nalang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako dito. Tapos nanikip ang dibdib ko. May kumikirot, tapos.. Hindi ako makahinga sa sakit.

Hindi ko namamalayang nilalakad na ako ng mga paa ko papuntang coffee station. May pumipigil sa isip kong huwag akong lumapit, pero mas malakas ang katawan kong pumunta sa kanila. Ayaw kong umiyak sa maraming tao, lalo na kay John. Gusto kong ipakita na matigas ako.

Na matapang ako.

Na palaban ako.

At gusto kong ipakita sa kanya na Hindi ako basta-bastang babae nalang.

Parang may bumabagabag sa isip ko. Tinataksil ba ako ni John? Mahal ba talaga niya ako? Bakit parang hindi ko nararamdaman 'yon?

Bakit nararamdaman kong...

Gusto kong pumatay ng tao.

Malapit na... Malapit na ko sa kanila... Onti nalang, sige pa... Bakit gusto kong pumatay? Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nang makarating na ako sa lamesa nilang dalawa, kinuha kaagad ng kamay ko ang unang mahawakan ko.

Isang baso na may malamig na tubig, ramdam ko ang ice sa loob nito sa sobrang lamig, para bang hawak ko na mismo ang isang malaking yelo. Mabilis ko itong itinapon sa mukha ng babae kaya nagulat siya maging si John rin. Mabuti nalang isang cashier at isang customer lang ang nandito pati kami nila John at nung babae, kung hindi, malaking issue 'to.

Hindi ko namamalayang, pinupunasan na ni John ang mukha ng babae. Bakit siya pa ang nilapitan ni John? Bakit...

Bakit hindi ako?

Nag-simulang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Pinagmamasdan ko kung paano mag-alala si John sa babae. Ganyan ba siya kaimportante sa kanya? Hindi man lang ba niya ako lapitan at tanungin kung okay lang ako? Ang sakit kasing makita na 'yung mahal mo ay mas iniintindi ang ibang babae kesa sa'yo.

Nahagip ng mata ko ang cashier at ang isang costumer na umalis muna ng coffee station. Siguro para maiwan kami ditong tatlo. Nanginginig na ang mga tuhod ko. Nanghihina ako. Ano ba itong nagawa ko? Kanina lang, hindi ko ma-kontrol ang katawan ko at gustong pumatay ng tao. Gigil na gigil ako sa babae, buti nalang at nabuhusan ko siya ng malamig na tubig kesa masakal ko siya kanina.

Matapos na niyang punasan ang mukha ng babae. Lumingon si John sa akin na galit na galit. "Anong problema mo Abigail?!" Sigaw niya. Ngayon ko nakita ang totoong galit niya, hindi siya si John, parang ako.. Hindi ako si Abigail kanina, ibang-iba. Tapos Abigail pa tawag niya sa akin? Hindi ba dapat Bae?

Umiiyak man ay nagsalita ako kahit nababasag man ang boses ko. "Hindi ako kung hindi ikaw ang may problema!! H-Hindi ka nagtetext sa akin! Ta-tapos.. Hindi ka nag-rereply sa bawat text ko sa'yo! Hindi mo ba nakikita na nag-aalala ako sa'yo? Kanina sa meeting, hinihintay kong mag-reply ka pero wala! Tapos ano itong makikita ko... Na may kasama kang babae sa coffee station at dito pa talaga sa Company ko BEE! ha!?!" Sigaw ko sa kanya. Galit ako ngayon, gusto ko siyang sampalin pero hindi ko kaya. Napatigil siya sa sinabi ko at mukhang naguguluhan.

"Minahal mo ba talaga ako?..." Tanong ko. "....Kase nung una ko lang naramdaman 'yon, bakit ngayon parang hindi? Pinagtataksilan mo na ba ako? May... May nagawa ba akong masama na kinagalit mo? Sabihin mo naman sa akin oh.. P-para... Para, hindi ko mapatay ang babaeng nasa harap ko ngayon" Dugtong ko habang masama ang tingin sa babae habang umiiyak.

My Boyfriend Is A KillerWhere stories live. Discover now