Chapter Fifty Five- Trap

362 7 0
                                    

[A/N: Jarvie Jin Arasco Scarlett is on the picture]

-Robert Lee's PoV-

Nagaayos ako ng aking neck tie habang nakatingin sa salamin. Tumingin ako kay Lexy na kalalabas lang ng restroom at nakatapis ng twalya. "Are you really sure na pupunta ka parin doon?" Tanong ko bigla. Tumingin siya sa akin at tumango. "Yes, tito. Kapag kasi hindi na ko nagpakita, baka isipin nilang patay na ko or baka pagdudahan ako ni Jarvie, and nagpapanggap pa nga ako ng mother ni John di ba?"

"Tsk. Mas mabuting patayin na si Lex The Maid, para isa nalang gagampanan mo" Suggestion ko. "Tito, let me do this shit. Hindi niya ko mahuhuli" Sabi neto habang kumukuha ng mga damit sa drawer. "Sige. Mag-iingay ka doon" Balak niya kasing bumalik na naman sa mansion, gusto rin kasi niyang makahanap ng information. Tss, kung hindi niya lang ako pinilit dapat nandito lang 'yun eh.

Paalis na sana ko nangakasalubong ko si Ken sa pintuan. "Woah, Bossing. Aalis ka na?" Tanong nito. "Yeah. Sa office, may mga kailangan lang akong i-attend at magpirma ng mga papers. Napakain mo na ba si Tiara?"

"Opo Bossing! Buti nga hindi niya ko napansin eh" Tumango ako. "Good" Paalis na sana ko ng may isang mail man na nagabot sa akin ng sulat. "Mr. Nate Flee po hindi ba?" Kumunot ang noo ko bago sumagot. "Y-Yes. Why?"

"Sulat po para sa inyo. Pakipirmahan nalang po ito" Ginawa ko naman ang sinabi niya at saka umalis na siya. Binuksan ko ang sulat at laking gulat ko kung kanino ito galing.

---

To: Nate Flee,

Greetings!

Mr. Nate, I want to have a meeting with you today. Please meet me in my office. 9:30 am, don't be late! This meeting is really important specially, it's about to our business in your Company and Our Company too. See you there!

From: Jarvie =) [Your DEAREST friend]

---

Hindi pa ko natatapos magbasa nang biglang hablutin ni Ma'am Zedekiah 'yung sulat na galing kay Jarvie. Ngumiti lang ito saka mabilis na pinunit ang sulat sabay tapos sa basurahan. Nagulat naman kami ni Ken sa ginawa niya. "Ma--"

"Kahit kelan, ang laking basura talaga niyang Jarvie na 'yan eh. Huwag kang magpapauto dyan. It's her trap" Nabigla naman ako kaagad.
"Trap?" ulit ko.

"Oo, madalas niya 'yang ginagawa every time na may papatayin siya ng palihim. Siguro ayaw niyang may makaalam...kaya wag na wag kang pupunta dun"

"Paano kung totoo po 'yung sinasabi niya?"

Tuminhgin naman sa kanya ng masama si Ma'am Zedekiah. "Hanggang ngayon ba tanga ka parin? Ang isang private meeting ay ginagawa ng palihim, 'yung walang makakaalam kundi kayong dalawa lang. Next time, wag kang sasabat" Tumango naman si Ken at nagmamadaling umalis. "Robert" Tawag niya kaya naman napalingon ako sa kanya. "She already know who we are" I-Ibig bang sabihin niya.. O_O

"At lalo nang nagiging delikado ang sitwasyon..nararamdaman ko na...ang dugo na bumabalot sa katawan natin, gagawin niya ang lahat para malaman niya ang katotohanan.. Hindi lang tayo dapat ang mag-ingat"

"Anong ibig niyong sabihin?" -Ako.

"May kutob akong silang dalawa ang pinaka delikado sa ganitong sitwasyon.." Huminga pa siya ng malalim. "Kung ganun, sino po?"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"'Yun ay si Abigail at Jasper Carter"

My Boyfriend Is A KillerWhere stories live. Discover now