Chapter Sixty Five- The Secret Revelation

355 13 1
                                    

-Abigail's PoV-

Tumango si Mama at hinablot ang gun niya. "Oo anak. Si John Retrac Flee! Siya......siya si--*BANG* AHH!" Napatingin ako sa....bodyguard na babae.. "Kainis ka Zedekiah!" Sigaw ni Mama. Nabaril si Mama ng babaeng bodyguard na kasama ko kanina...traitor... Nanginginig na hinablot ko ang gun at tinutok ito sa tinatawag nilang Zedekiah. Kahit hindi ako marunong gumamit ng baril, Basta ko nalang itong pinutok at biglang may humarang sa kanya kaya si Mr. Nate ang natamaan ko, sa tuhod..

Pero hindi na ko nagulat, ngayon alam ko na....naging uto-uto ako sa kanila....binilog nila ang utak ko....hindi ko sila mapapatawad!! "Liars.....Liars.....Liars....Liars" 'Yan lang ang paulit-ulit kong sinasabi habang nagpapaputok. Wala na akonhg pakielam kung sinong matamaan o mapatay ko....isa lang ang nararamdaman ko ngayon,

......puno ako ng galit.

Nagsisisi ako na nakilala ko siya....

Nagsisisi akong niligawan niya ako....

Nagsisisi ako na naging girlfriend niya.....

Nagsisisi akong siya ang minahal ko...

Nagsisisi ako sa lahat....

Nagsisisi ako....

....na iniligtas ko pa siya.

Nagpauto ako sa kanila. Biglang natamaan sa tuhod si Kennard o ang totoong Ken kaya tinulungan siya ni Tiara. "Couz! Stop this!!!" Humarang siya sa kanilang lahat kaya napatigil ako sa paggalaw ng gatilyo... Biglang may pumasok sa loob at tumakbo papalapit sa akin..papalapit soya ng papalapit....tinatawag niya ako...

Niyakap niya ako agad kaya nabitawan ko ang baril ko. "Pamangks! Pamangks!" Umiiyak si...Tita? "T...Tita" Tawag ko. Unti-unting lumalabo ang paningin ko hanggang sa umiiyak na pala ako. Nilapitan ni Tiara si Mama para tulungan...at pagtingin ko sa pintuan...tumatakas na sila..

Hahayaan ko muna kayo ngayon...

Humanda kayo...

Ako naman ang maghihiganti sa inyo...

***

Pagdilat ko ng mata ko, una kong hinanap si Mama...at nandito siya ngayon katabi ko, si Tiara pinupunasan ako ng lampin para mawala ang mga sugat ko..tapos si Tita naman, naghahanda ng makakain sa gilid kasama si Ivan at 'yung dalawang maids..

Bumangon ako agad. "Mama--" Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko. "Thank you....you still trusts me" Ngumiti rin ako sa kanya. "Mama, okay po ba kayo? Hindi ba nabaril kayo nung Zedekiah na 'yun?" Tumawa naman siya saka pinakita ang bulletproof na suot niya. "Don't worry. I have this"

"Couz. Okay ka na ba?" Tanong ni Tiara...tumango lamang ako. "T-Tita...I'm sorry about sa..."

"It's okay Tiara...huwag mo na ulit sasaktan ang anak ko okay? Siya nalang ang natitira para sa akin" Tumango naman si Tiara. "Hoy hoy! Bestie, kasama rin ako no!" Sigaw nito habang may dala-dalang soup. "Pamangks, inumin mo ito, gawa namin 'yan nila Ivan" Utos niya. Sinubuan naman ako ni Mama.

"Buti naman, gumising ka na" Tumingin naman ako kay Ivan...na nakasandal sa pinto.. "Uhm, anak... Marunong kang bumaril?" I shook my head to say no. "So, paano mo na-shoot si Kennard? And Mr. Nate?" Tanong ni Tiara. "H-Hindi ko alam....basta ginalaw-galaw ko lang 'yung trigger" Sabi ko. "Anak. Don't do it again, okay? Lalo na hindi ka pa marunong bumaril ngayon" Lumingon naman ako kay Mama saka tumango.

"Pero Mama....gusto ko pong malaman kung paano bumaril" Napalingon naman sila sa akin na gulat na gulat... "Anak...no--" Nilingon ko siya. "Ma...for self defense ko lang naman" Ngumiti naman si Mama. "Pag-iisipan ko pa...Okay... Pwede bang lumabas muna kayo?" Sinunod naman nilang lahat ang utos ni Mama.. Humarap sa akin si Mama at tila kinakabahan. "Mama....may problema po ba?"

My Boyfriend Is A KillerWhere stories live. Discover now