Chapter Forty Four- Date with him and Cook for him

327 9 0
                                    

-Ken's PoV-

Sisipol-sipol pa ang pogi habang nagtatapon ng basura sa may likod ng bahay. Syempre! Masipag kaya ako!

Pabalik na sana ko sa loob ng mapansin kong may dalawang chicks ang bumaba ng kotse. Witwiw, swerte ko! Woo!

Habang papalapit ng papalapit, napansin ko kung sino ang dalawang babae na kumakausap sa driver nila.

Shet, si Abigail!!

Dali-dali akong pumunta sa likod ng bahay. Buti may emergency exit dito. Pagkatapos, dumiretso kong kwarto ni Jasper. "Tropapits!! Langya, nandito si Abigail!" Mabilis siyang napalingon sa'kin. "Again?" Tumango ako. Tumayo siya sa kinahihigaan niya at sabay kaming lumabas ng kwarto niya.

Pagkalabas namin, nakita ko si Lexy na nakatayo sa harap ni Abigail at ni Tiara. Si Bossing naman nabagsak 'yung suit na dala niya. Putek! Wrong timing ka Abigail!! *Buntong hininga*

-Abigail's PoV-

Una, kumatok muna ko, nasa likod ko si Tiara tsaka si Manong Driver nasa likod ni Tiara habang may bitbit na pagkain. Ako naman may dalang gift. Sabi kaya sa Do and Don't's magdala daw ako. Syempre, hello kitty na kurtina at damit, tsaka isang hello kitty na painting. May dala narin akong pinaka gift na magugustuhan ni John! ^____^

"Yes" Rinig kong boses ng babae. Waaaa!! Parang ayaw ko yatang buksan ang pintuan dahil may babae na naman si Joh--

Bumukas ang pintuan at hindi nga ako nagkamali. T-T babae ang nagbukas. Huhuhu. Halata namang nagulat 'yung babae ng makita ko. Teka, parang nakita ko na siya dati... Saan nga ba 'yun? Nakalimutan ko na ata?

O-M-Y-G-A-D!!!! O_______O

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hindi kaya siya 'yung nanay ni John? Mwuehehehe. Pero never ko pang nameet ang nanay niya, pero bakit pamilyar ang mukha niya sa akin? Di bale na nga, maganda naman ang nanay niya eh. Hihihi. ^^

Nahulog naman 'yung jacket ng isang lalake kaya napatingin ako sa kanya. Wahhhh~~ s-s-si Mr. Nate Flee 'to ah! B-B-Bakit siya nandito?! O_____O

"A-Abigail!" Napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Pati ba naman si Kennard nandito? Huhuhu. Napatingin ako kay John na hindi maipaliwanag ang mukha. Nakakunot kasi ang noo niyang nakatingin sa akin. T_______T

Sa sobrang tahimik namin, nagsalita na ko. "H-Hello po" bati ko sa kanilang apat. Unang pumasok si Tiara. "Hi John! Remember me?" Nakangiti niyang sinabi kay John. Si Kennard naman nakatingin kay Tiara.

"Hehehe. Kayo po ba ang nanay ni John?" Nakangiti kong tanong sa babae na hanggang ngayon gulat parin ang itsura. Medyo kahawig ng pisngi niya si Lex ng bago naming maid. Hehehehe, kaso lang may eye patch siya ito namang nanay niya wala. Tumango siya ng dahan-dahan. "Y-Yes!" Lumingon naman ako kay Mr. Nate Flee. "Mr. Nate Flee, ano pong ginagawa ninyo dito?" Tanong ko. Kaano-ano niya si John?

Hindi siya makasagot. "Huwaaaa! Ikaw po ba ang tatay ni John?" Yipieee! Kumpleto ang pamilya niya! Sayang hindi ko man lang nasama si Mama at Papa. *pout*

"Uhh y-yeah. A-a-ako nga" Utal niyang sagot. Pero teka, "Di ba Flee po ang apelyido ninyo? Bakit po Retrac apelyido ni John?" Tanong ko. Mabilis na lumingon ang tatay ni John kay John ng masama. Halaaa, may family problem ba sila? Naku pu! Bawal pa naman 'yun sa Do and Don't's! T^^T

"Hehe. Baka po John Retrac Flee? Gitna niya lang po siguro ginamit niya na Retrac pero ang totoo naman po niyang apelyido eh Flee? Tama po ba ko?" Palusot ko. Huhu, please... "O-Oo!!" Napalingon kaming lahat kay Kennard na kinakamot ang batok niya. "T-Ta-Tama ka Abigail! Ang galing mo! John Retrac Flee nga ang buong pangalan ni John! Di ba Tropapits?" Sabi nito at binangga pa siya ng onti.

My Boyfriend Is A Killerحيث تعيش القصص. اكتشف الآن