Chapter Fifty One- Patrick's Gone

318 9 2
                                    

-Robert Lee's PoV-

"Ken, si Jaime" mukhang naintindihan naman niya ang sinabi ko at tinakpan ng panyo si Jaime sa mukha hanggang sa wala na itong hininga. Mabilis niya itong binuhat at inilagay sa guest room.

Tumingin ako sa Ama ni Abigail. Pagtingin ko kay Abigail, nakaluhod ito habang sinusubukang gisingin si Jasper. Binuhat ko si Patrick at inilapag sa movie room. Kinasa ko ang hawak kong baril saka itinutok sa kanya. "Para sa kaibigan kong pinatay niyo at sa asawa nito" Pagkatapos ng mga katagang iyon. Binaril ko na siya. Dapat lang sa kanya 'yon.

Noong lumabas ako. Nakita ko ang tauhan ko na ipapasok narin si Tiara. "Patayin na ba namin boss?" Tanong nito at tumango ako. Aalis na sana kami ng biglang lumakas ang mga putukan sa labas. "Sh*t!" Rinig kong sigaw ni Lexy sa linya. "Anong problema?!" Sigaw ko. "Ang daming tauhan ni Jarvie. Mukhang hindi mo tauhan ang mga ito. Kailangan na nating umalis!!" Sigaw niya. Lumingon ako sa gawi ko at nakatutok na ang baril ng tauhan ko sa ulo ni Tiara. "Huwag! Huwag niyo nang ituloy 'yan. Kailangan pa siya. Isakay niyo na siya sa kotse. Doon kayo dumaan sa emergency exit. Magingat kayo dahil may bomba doon" Sabi ko na kinatango nila at sinimulang buhatin si Tiara. "Ken, kailangang mawalan ng malay sij Abigail! Kunin mo narin si Jasper" Sigaw ko habang papuntang control room. "Ok po!" Sagot nito.

"Dam--*BANG*--Sh*t! Tito XYZ!" Tumakbo ko papuntang control room at nakitfa ko si Lexy na pinagtutulungan ng mga armdaong lalake. Pinagbabaril ko sila isa-isa at tinakas na si Lexy palabas ng control room. "Ma'am Zedekiah. Kailangan na nating umalis!" Sabi ko sa linya. "Ano? Kikilitin ko muna buhay netong babaeng 'to" Sabi nito. "Damn! Jarvie's men are here. At sobrang dami po nila!" Singgit ni Lexy habang nilalagpasan ang bomba sa may lupa. "Wala akong pakeelam kung--"

"Jasper's In trouble" Natigilan siya ng sabihin ko iyon. "Ano?!"

"Natamaan ko siya ng baril. Dapat si Abigail ang tatamaan ko pero, iniligtas niya ito mula sa bala" Sabi ko habang papunta kami sa garden. Si Lexy naman nasa likod ko at bumabaril.

"F*ck it! Magkikita pa uli tayo sa tamang panahon" Sabi nito na akalain mo'y may kausap saka binaba ang telepono. Tumingin ako sa itaas at natanaw ko siyang tumalon mula second floor hanggang makatalon si pool. Mabilis itong lumangoy at umahon. "Nasaan si Jasper?" Alalang tanong nito. "Ken. Huwag kayong aalis dyan. Magtataka pa sila kung aalis pa kayo dahil nandyan kayo kanina pa" I said. "Aregaldo Bossing" Sagot nito. "Where the heck is Jasper?!" Sa sobrang lakas ng boses ni Ma'am Zedekiah, nakita kami ng mahigit sampung tauhan ni Jarvie. Pero sunod-sunod namin silang pinaputukan kaya narinig pa ng iba. Bwisit.

"Robert, anong nangyare sa apo ko? Where is he!!?"

Tumingin ako kay Ma'am Zedekiah. "Saka ko na ipapaliwanag, kailangan na nating umalis!" Naunang lumabas si Lexy sa garden sumunod ako at si Ma'am Zedekiah. Ang ibang tauhan ko ay nakipagbarilan bago umalis din.

Dumiretso kami sa Sunshine Hotel para doon magpahinga, dahil sigurado akong buhay pa si Jarvie at hindi niya palalagpasin ang nangyare kaya't mas mabuting dito muna kami para sa kaligtasan namin.

Si Lexy umupo sa upuan habang nakahawak sa noo niya. "Where is he?" -Ma'am Zedekiah.

"Nandoon po sa bahay. Kung isinama pa natin sila ni Ken, mabubunyag ang pinakatatago niyang sikreto" Sagot ko at umupong kama. "Tsk. Lecheng Abigail na 'yan dapat patayin na 'yan eh" Galit na galit na bulong nito habang palakad-lakad sa buong kwarto na mukhang naguguluhan.

"Mukhang inlove na nga si Jasper kay Abigail..." Napalingon kami ni Ma'am Zedekiah sa sinabi ni Lexy habang nakayuko at pinag-lalaruan ang baril na hawak niya. "Si Jasper ang kilala kong taong walang pakialam kundi sundin lamang ang misyon niya para maipaghiganti ang mga magulang niya. Pero, ngayon?" Tumingin siya sa aming dalawa ni Ma'am at saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Hindi siya ang Jasper na kilala ko kanina. Isasakripisyo lang niya ang sarili niya para sa taong mahalaga sa buhay niya" Ramdam ko ang galit sa mga mata ni Lexy at napansin ko ring humihigpit ang hawak niya sa baril.

My Boyfriend Is A KillerOù les histoires vivent. Découvrez maintenant