Chapter Fifty Four- His Bestfriend

328 7 0
                                    

-Jasper's PoV-

Shit. Shit. Shit. Shit. Shit!!

Mabilis kong pinindot ang open button ng elevator. Dumaan ng 5 segundo bago ito bumukas, ngunit hindi ko na naabutan si Ken. Mabilis akong tumakbo para sana habulin sila ng bumukas ang pinto at nagmamadaling lumabas si Abigail.

"John! San ka pupunta?!" Nagaalala niyang tanong. Tsk. "U-Uhh, mabilis lang 'to" I said at mabilis na tumakbo palabas ng hospital. "JOHN!" Rinig kong tawag niya sa pangalan ko ngunit hindi ko lang siya pinansin at patuloy na tumatakbo. Isang tanong ang bumabalot sa isipan ko sa mga oras na ito.

Ano kailangan niya kay Ken?

-Jarvie's PoV-

Idinaan ko si Ken sa emergency exit kung saan walang cctv's. Pinasakay ko siya sa car ko and pumunta kami sa isang warehouse.

Tinali ko siya sa kamay at paa. "Ano bang...kailangan niyo sa'kin?!" Sigaw niya. I smiled and walked towards him. "Simple lang, tell me who really John Retrac was" Pag-iiva ko ng boses ko, halatang nagulat siya sa mga sinabi ko pero nanatili rin siyang tahimik at yumuko. "Bakit? Hindi mo ba sasabihin? Bahala ka" Sabi ko habang kinakasa ko ang baril ko.

"Sino ka ba?" Tanong niya. Itinutok ko ang baril sa ulo niya and shooted him. Sinadya kong patamaan ito sa pader upang matakot siya pero nagulat ako ng hindi man lang siya natakot. "Hulaan mo.." Bulong ko na tama lang na maririnig niya. "Kilala ba kita?"

"What do you think?" -Me.

"Kaya ka nga tinatanong eh" Bulong nito. "What did you just say?" Inis akong tumingin sa kanya ng masama. "N-Nothing" Utal nito. Tss.

Kinuha ko ang cellphone ko at pumuntang new contacts. "Tell me the number" Napalingon naman siya sa akin ng di-oras. "Nino?"

"Stop pretending you don't know who is him. I know, and you know who I was talking about to" Sabi ko habang nagtatype sa cellphone. "Hindi ko sasabihin sa'yo" Lumingon ako sa kanya. "And why?"

"Sabihin mo muna kung sino ka bago ko ibigay ang number ni Jasper" So. Totoo ngang kilala niya ito. I smirked. "Ako lang naman ang pinatay ng kasama niyo" Medyo nagtaka siya. "Si Patrick? Sigurado kaming patay na siya. Hindi ikaw 'yon. Nagsisinungaling ka lang!!"

Lumapit pa ako sa kanya. "Talaga? Kung gayon bakit nandito pa ako sa harap mo?" mas nilaliman ko pa ang boses ko para halata. Nagsisimula na siyang magalit. "Hindi ganyan ang boses ni Patrick!!" Sigaw niya na kinahinto ko. "Isa ka palang traydor....tinuring kang kaibigan ni Abigail, alam mo pala ang tungkol dito. Paano nalang kung nalaman niyang alam mo kung sino ang pumatay sa Papa niya? Sa asawa ko? Ano kayang magiging reaksyon niya sa'yo? Lalo na't kasama ka noong gabing iyon?" Inialis ko ang shades ko saka inalis ang cap. Laking gulat niya ng makita niya kung sino ang kaharap niya ngayon.

"Ano mang oras pwedeng-pwede kitang patayin. Ngayon, sabihin mo sa akin ang number ni John, itanong mo sa kanya ang tunay niyang pangalan" I silently click the recorder at ibinigay kay Ken ang cellphone ko. "Nasa kabilang cellphone lahat ng numbers ng mga kakilala ko. Kaya wala kang ibang matatawagan dyan. Just call him and asked his true identity" Nag-simula na siyang umiyak. "Tama nga ang sabi ni Bossing, at ni Ma'am. Napakasama mong tao" Kumunot naman ang noo ko. "Bossing? 'Yun ba ang pumatay sa asawa ko?!" Siya naman ang ngumiti. "Paano kung sabihin ko sa'yong Oo? Anong gusto mong malaman, kung sino si John, o kung sino si Bossing?" Kaya ko lang naman tinatanong 'yun dahil kailangan ko ng evidence na nagpapatunay na si John at Jasper ay iisa. At maaari ko iyong gamitin laban sa paghihiwalay ng anak ko at ni John.

My Boyfriend Is A KillerWhere stories live. Discover now