Chapter Fifty Nine- Day 2

300 11 0
                                    

-Abigail's PoV-

Dinilat ko ang mga mata ko.

Bumangon ako.

Panaginip lang ba ang nangyare kahapon? Nakita ko ang sarili ko sa salamin, namamaga ang mata ko....

Totoo nga. T^T

Tumingin ako kay Mama na mahimbing na natutulog, sa kabilang kama naman si Kennard at wala si John. Huh? Nasaan na siya? Teka, dapat pala hindi ako nagaalala sa kanya, may away kaya kami *pout* tumayo nalang ako at pumuntang bintana, hinawi ko ang kurtina at doon ko nakita si John, nanonood ng dalampasigan.

"Gusto ko siyang samahan" Mabilis kong nasampal ang sarili ko. Ano ka ba, Abigail...sinabi ko na sa'yo na may away nga kayo! >_<

Sinara ko na muli ang kurtina at hihiga na sana ngunit naabutan ko si Mama na bumangon kaya nagtago kaagad ako sa ilalim ng kama. Huhuhu, nakakatakot naman dito. Nakita ko 'yung paa niya na umalis ng kwarto. Saka ako umalis ng ilalim ng kama. Bumuntong hininga ako. Bakit pati si Mama iniiwasan ko? Siguro dahil baka gusto ko lang mapagisa ngayon.

Gumising na si Kennard at sabay kaming umalis ng kwarto. Pumwesto kami sa kanya-kanya naming upuan.
Napagisipan ko rin na humiwalay muna ko kay John, kaya si Ivan nalang ang tumabi sa akin. Hehe, ^^

***

Habang kumakain...

"How are you all, yesterday?" Basag ni Mama sa katahimikan. "Okay naman po kami, na-enjoy po namin. Maraming salamat at nagawa niyo kaming imbitahin dito" Sabi ni Bea Jane. Ngumiti naman si Mama sabay subo ng bacon. "You're welcome"

"Na-enjoy naman namin ni pamangks ang swimming, di ba pamangks?"

"Ah, opo Mama na-enjoy nga po namin" Tumingin naman sa amin si Mama. "Good, how about you and your boyfriend, Anak?" Sabay na naibagsak namin ni John ang kutsara at tinidor. Wala ni isa ang gustong magsalita sa amin, ramdam ko rin na hindi kami nagtitinginan sa isa't-isa.

*KRIIIING* *KRIING* KRIIIIING*

Bigla namang tumayo si Gretchen. "Uhm, e-excuse lang" Sabi nito sabay alis na hawak ang phone niya. *Buntong hininga* save by the bell.

"I think may problem sila...let's just leave them for a while, let's go to beach at i-try natin ang banana boat!!! What do you think guys?" Suggest ni Tiara. "Mukhang maganda nga 'yun!" Sang-ayon ni Tita Jaime, siguro kung i-try ko 'yun, mawawala ang pagkainis ko kay John. Hehehe, tumango nalang din ako maging sila.

Pagkatapos namin kumain, pumunta kaagad kaming beach tapos pumunta kami doon sa banana boat, anim lang kaming sasakay kasi hindi hilig ng iba..

Position:

|Abigail|
|Ivan|
|Tiara|
|John|
|Mr. Flee|
|Jaime|

Habang hinihintay namin 'yung driver ng boat, nagsalita si Tiara, tumayo siya sa banana boat ng nakapamewang. "Alright, tutal nandito naman na tayo sa banana boat, lagyan natin ng twist...let's play a game!" Sabi nito sabay palakpak. "Choose your partners. But, kailangan girl and boy" Huh?

-Tiara Mae's PoV-

Hahaha, at dahil magkaaway si Abigail and John, hindi sila pwedeng nagpartner. Si Mr. Nate Flee nang bahala na maging partner si Jaime so, wala nang sagabal. I'm so perfect and smart talaga, insert beautiful! >__^

Ngumiti ako kay John. "I am now your partner!" Si Cousin kasi nakay Ivan na, si Jaime na kay Mr. Nate, so sa akin na siya! "Alright, once you have a partner, hindi ba dapat ituring niyong prinsesa ang mga ito? Right boys?" Sumang-ayon naman si Mr. Nate Flee at Ivan. "Right, MY PARTNER?" Sinadya ko talagang diinan ang dulo para marinig ng bruha. I looked at her and smile. She just ignore me, pathetic!

My Boyfriend Is A KillerWhere stories live. Discover now