Chapter Sixty Six- Changed

342 8 0
                                    

-Jaime's PoV-

"Pamangks, iiwan ko nalang itong pagkain mo ulit ah....kumain ka ng mabuti" Sabi ko sa nakasarang kwarto niya bago bumaba ng hagdan.

Mahigit 2 buwan na ang nakakalipas, simula ng malaman namin ang lahat tungkol sa ex-boyfriend niya. Halos hindi na siya lumalabas ng kwarto niya, minsan....binubuksan niya ang pintuan kapag alam na niyang walang tao at saka niya lang kukunin ang pagkain nito. Minsan naman, hindi... Kahit anong pilit buksan ni Bestie ang pinto, nagagalit si pamangks at sinasabing magpapakamatay daw siya kapag may ibang bumukas ng pinto bukod lamang sa kanya.

"Hayyy" Napabuntong hininga nalang ako. Araw-araw naririnig namin ang hagulgol at pag-iiyak ni pamangks. Loko talaga ang Jasper na 'yun!! Kapag nakita ko siya, sisipain ko talaga siya sa pwet. Sinaktan niya pamangks ko. T____T

"Tita"

"Ay kalabaw!" Napalingon naman ako kaagad kay Tiara. Itong bata talaga oh-oh. Pinatawad ko na kase siya sa mga kasalanan niya kaya nakiki-Tita narin siya. "Oh bakit?" Sabi ko.

"Pasensya na po kayo. Gusto ko lang malaman kung....is coz still all right? Kinakabahan na kasi ako baka kung anong gawin niya sa loob" Nag-aalala niyang sinabi. "Ako nga rin eh. Si Ivan? Akala ko ba dito muna siya hanggang umayos si Abigail?" Paalala ko. "Ahh, opo. Nasa guest room siya"

"Okay" Sabi ko naman. "Tita, hindi ba may cctv sa lahat ng kwarto? Bakit hindi kaya natin--"

"Walang silbi rin iyon. Sinira ni pamangks" Sabi ko. "This maybe hurt her...but, kung puntahan kaya natin si Jasper and tell him about his ex?" Suggest ni Tiara. "Nakuuu! Huwag! Baka masakal pa siya ni pamangks ehh"

"Oh, anong pinag-uusapan niyo?" Tanong bigla ni Ivan. "About coz" Sagot ni Tiara sabay tingin ng phone niya. "Here he go again" Tumingin naman ako sa kanya. "Sino? Si Ken na naman? Mag-iisang buwan nang nagtetext sa'yo 'yan eh" Sabi ko. "Yeah, kahit sabihin kong traitor sila at killers hindi siya nakikinig at palaging sinasabi na he's different than Jason *rolled eyes*" Lumingon naman sa kanya si Ivan. "Bakit? Hindi mo ba siya mahal?"

"N-Never" Namumula niyang sinabi. "Weh? Bakit nasayo parin ang bracelet na binigay niya sa'yo?" Nagulat naman si Tiara sabay tumingin sa bracelet niya. "H-How did you...?" Patanong niya. Ngumiti lang si Ivan. "Kasi ako si Ivan" Taas kilay niyang sinabi. "Ewan ko sa inyo, maliligo pa ko" Pamamaalam ko saka umalis.

"Namamaho ka na Tita!" Pang-aasar ni Tiara. Nilingon ko siya. "Che!" Sigaw ko sabay irap. Nagtawanan naman ang dalawa. Mga lokong 'to.

Pumunta na ko sa restroom para maligo.

***

Pagkatapos kong maligo, nadaanan ko si Tiara at Ivan na nag-aasaran. Napangiti nalang ako. Close na sila sa isa't-isa. Dati hindi....marami na talagang nagbago...hay.. Kamusta na kaya sila Jasper doon? Hindi ko narin sila nakikita.

*KRINNGG* *KRRIING*

Nagmadali naman akong kunin ang phone ko saka sinagot. "Hello, bestie? Kamusta ka na diyan sa America?" Tanong ko. Oo nga pala, matapos ng isang buwang pagtitimpi ni pamangks. Kinailangang pumunta ni Bestie sa America dahil marami raw siyang meeting about sa company nila. Nagtatakha na nga daw ang mga workers kung bakit hindi na nila nakikita si pamangks. Ang dinahilan naman ni bestie, busy daw. Hayyy pamangks... Nalulungkot ako para sa kanya. Lalo na nalaman niyang iiwan pa siya ng mama niya.

"I'm okay but...unti-unting nalulugi ang company. I don't want to lose this company! Ito nalang ang alaala ko kay...kay....kay Art.." Narinig ko siyang humihikbi. "Bestie... Huwag kang umiyak. Para kang bata eh. Huwag kang susuko! Fighting lang!" Sabi ko. "Okay thx for that. I'm going back there tomorrow sunduin mo ako sa airport. Kailangan kong bisitahin ang anak ko tsaka si Art"

My Boyfriend Is A KillerWhere stories live. Discover now