Chapter Thirty Seven- "Yes"

398 13 1
                                    

[A/N: 'Yung video po ay isang sad na song dun sa party]

-Abigail's PoV-

Huwaaaaaahh!! Napabangon kaagad ako sa kama. Hehe. Wala lang. ._.

Hindi ko na pala namalayan kagabi na nakatulog na ko. Huminga ako ng malalim bago mapaisip na bumaba ng kama. Bababa pa ba ko? Bakit hindi? Wala namang asido itong sahig. ._.

Umupo akong kama. Nakaapak ang paa ko sa sahig pero hindi pa ko aalis ng kwarto. Kinusot-kusot ko ang mata ko. Pagkadilat ko. "Waahhhhhhhh!!" Sigaw ko ng biglang may nastock sa mata ko. Pagkadukot ko, muta lang pala. Hehe.

Naalala ko na naman ang nangyare kagabi..

*flashback*

"Tandaan mo anak, Kung sino ang tinitibok ng puso mo... Sa kanya ka pumanig. Lagi mong tatandaan, nandito lang kami ng Tita at Papa mo sa'yo. Sundin mo ang puso.. Huwag mong pilitin ang sarili mo sa ayaw ng puso mo... Dahil ang puso, ang makakapagpasaya sa'yo. Hindi 'yan magbabago" -Mama

---

"Pamangks, Tama si Bestie.. Kung ano ang nilalaman niyang puso mo, sundin mo. *sob* huwag ka basta-basta magdedesisyon kung hindi ka pa sigurado. Piliin mo ang taong TUNAY na nagmamahal sa'yo. Pakiramdaman mo kung sino ang nagbibigay ng EFFORT. Pumanig ka sa TOTOO na mahal ka" -Tita Jamie.

*End of flashback*

Pumanig kung saan ang tinitibok ng puso.. "Hehe. Puso, kanino ka ba boto?" Anubayan. Para namang timang ako dito. ._.

Pagtingin ko sa calendar. Actually, dapat sa orasan ako titingin eh. Kaso sa calendar lang bigla nalipat 'yung mata ko. December 3, 2015 ngayon..
Teka, HUWAAAA! O.O

Birthday Ko Ngayon! ^_________^

Napatingin naman ako sa oras at 9:11 a.m. palang. Kaya lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan. Grabe, sobrabg dilim. Halos wala na kong makita. Gabi ba? ?___?

Maya-maya'y biglabg may pumutok na ewan at nagsilabasan sila Mama, Papa, Tita, Bea Jane, mga maids and bodyguards, si Tiara at si Ivan.

Sabay-sabay silang sumigaw ng "HAPPY BIRTHDAAAAAYY!" Nakakatuwa naman. ^^

Ngumiti ako at sinabing "Salamat!"
Pagkasabi ko nun. Agad na nagsidatingan ang mga lalake na buhat-buhat ang mga balloons, mahahabang tables, cartolina na nakapaskil na 'Happy Birthday Abigail', pasabog, tapos kung ano-ano pa. Parang debut lang ba.

Bigla naman agad akong nagtaka.. Nasaan si John?

"Anak, bihis ka muna.. Marami kang bisita mamaya" Nakangiting bungad ni Mama habang may hawak siyang kulay sky blue na tube dress.

"Hehe. Sige po. Mama, nasaan nga po pala si John?" Tanong ko sa kanya. Medyo nag-iba naman ang expression niya.

"Uhm, sige anak magbihis ka na" Pag-iiba niya ng usapan at pinaakyat ako ng hagdan. Medyo wierd ngayon ah..

Dumiretso kong kwarto ko at doon na naligo at nagbihis. Tapos dumating ang make-up artist ko at minake-upan ako. Sa totoo lang ayaw ko ng mga ganito, mas gusto ko kasi ang mga simpleng bagay.

Pagkatapos akong make-upan, tumingi ako sa orasan habang sinusuutan ako ng sandals na sky blue rin. 12:45 p.m. na. Ang bilis ng oras ahhh.

Medyo pinaghintay nila ako ng ilang oras dito sa kwarto kaya 2:00 p.m. na.
Pagbukas ko ng pintuan ng kwarto ko bumungad sa akin ang napakalakas ng music. Tapos napakaraming tao.. At nasa harapan ko ngayon si Ivan at si Papa.

My Boyfriend Is A KillerWhere stories live. Discover now