Chapter Forty Nine- Jealous

377 9 0
                                    

-Robert Lee's PoV-

"Robert, tell me. Sinabi mo noon sa akin na buhay ang apo ko hindi ba?"

Natigilan ako sa pagkain ng ubas at diretsong tinignan si Ma'am Zedekiah sa mga mata niya. Naalala ko tuloy noong akala ko'y patay na siya.

*flashback*

Napatingin ako sa relo ko. Ang tagal naman nila Ash, pati ang asawa niya. Sabi sandali lang daw. Nandito ko sa loob ng kotse. Ano pa nga ba, edi ako ang driver nila. Doon narin ako makikitira para mabantayan ang pamangkin ko kahit hindi pa lumalabas. Last week, nagpa-obserba kami sa doctor at sabing lalake daw ang anak nila. Paksh*t, kamukha ko kaya ang itsur--

Napatingin ako sa mga lalake na nakatingin sa bahay nila Ash at ng mga magulang niya. Takte, ang dami nila! Iniusog ko ang kotse ko palayo ng konti sa bahay at inilapit sa kanila. May kutob akong may mangyayareng hindi maganda kaya't mas mabuting sigurado ako na malapit sa kanila kase baka sugurin nila agad 'yun eh.

"Pre ano, may balita na daw ba kay Boss?" -Man1

"Hindi ko alam eh. Hindi pa tumatawag si Ma'am Ja--" -Man2

"T*ng*nang 'yan. Naiinip na ko dito pre. Sigurado ba talaga kayo na ito ang gagawin natin?" -Man3

"Oo. Takutin lang daw natin 'yung nasa loob ng bahay eh" -Man4

Pucha. Edi sila Ash nga ang pakay nila. Bababa na sana ako ng kotse upang magsumbong ng may narinig akong tawag sa isa sa mga gago. Hindi ko naman kasi kaya silang patumbahin dahil sobrang dami nga nila.

"Sino 'yan?" -Man1

"Si Ma'am, boy" -Man4

"Sagutin mo na!" -Man2

Agad namang sinagot nung ug*k ang tawag. "Ma'am?" -Man4

"Huwag niyo na palang takutin. Kill them all. Lahat ng tao na nasa loob" Hindi ako nagkakamali sa narinig ko sa kabilang linya. P*ta!! Kailangan ko nang kumilos!

"P-Po? Akala ko b--" Man4

*BOOM!*

"P*tangin*!!!" -Man6

Nanlalaki ang mga mata ko ng biglang nagsisugod ang mga lalake papunta sa bahay. Shit! One, Two, Three, Four, Five, Six, Seven, Eight. Letsugas! Dalwatput anim lahat ng mga g*go!

Dali-dali kong kinuha ang baril sa bulsa ko at lumabas ng kotse. Papunta ko ng bahay ng--

*BOOM*

Sheetttt. Kotse ko 'yun ah! Napalingon ako sa kotse ko na nag-aapoy. Buti wala pang mga gamit na nilalagay si Ash sa likod. Pero 'yung cellphone ko! Lintek! Hayaan na nga.

Tinignan ko ang baril na hawak ko. Night Hawk .50C lang ang meron ako. Okay lang 'yan! Buti may mga bala rin akong dala. Pinaputukan ko kaagad ang mga armadong nasunod sa akin.

Nakita ko ang isang lalake na pilit nagtatadtad ng dala niyang machine gun sa may bandang kusina. Anak ng pusa! Sa isang bala ko lang pinaputukan ko na siya sa ulo na naging dahilan ng pagbagsak niya.

Yoooownnnn! Akin na 'tong machine gun!

Pagkakuhang-pagkakuha ko ng machine gun, papatayin ko na sana ang isang lalakeng may dala ring rifle ng biglang..

*BOOM*

Shet! Sa emergency exit 'yun ah! Makadaan nga!

Tinadtad ko lahat ng mga lalakeng nakaarmado ng machine gun na dala ko habang papuntang emergency exit. Mga sampu yata nabaril ko. Yes, labing anim nalang.

My Boyfriend Is A KillerWhere stories live. Discover now