Chapter Seventy One- Abigail Vs. Jasper

482 12 4
                                    

-Lexy's PoV-

"Jasperrr!!" Sigaw ko ng makita ko siyang tumalon. Kumamot nalang ng ulo si Ken. "Ano bang ginagawa mo?! Pigilan mo kaya! Puntahan mo si Jasper dahil baka malunod!" Utos ko. "Bakit hindi ikaw?" Tanong niya at tinalikuran ako. "Aba't! Basta! Lumangoy ka nalang at iligtas mo kaibigan mo!" Sigaw ko.

Lumingon naman siya sa'kin at ngumiti. "Kaya na 'yan ni Tropapits..." Sabi nito at naglalakad. "Gusto mo bang lunurin kita?! Nasa escalator na sila Jarvie!!" Sigaw ko. "Kaya nga pipigilan di ba? Hayaan mo na kasi sila, pag-ibig eh" Sabi nito at dumiretso kina Jarvie. Ano?! Ugh!

Tumingin ako sa ilalim para tignan kung nasaan si Jasper pero hindi ko siya nakita. Ugh! I can't swim. -_____-

Wala na kong nagawa kundi pakisamahan nalang sina Ken sa pagpigil kay Jarvie.

Pagdating ko sa escalator, nakita kong sinisipa sila palunod. Kaya ng mapunta na sila sa baba, dali-dali kaming pumunta sa parking.

-Jasper's PoV-

"Abigail?" Lumangoy ako papuntang Hypermarket kung saan huli ko siyang nakita. "Abigail!!" Sigaw ko ng matanaw ko siya sa dulo. Lumangoy ako papunta sa kanya at hinila ang kamay niya. Palabas na kami ng Hypermarket ng biglang tumaas lalo ang tubig kaya hindi ko na naapakan ang sahig. Tumingin ako kay Abigail ng nakapikit.

"Abigail....patawarin mo ko..." I said. Sinubukan kong huminga ng malalim bago lumangoy. Nang makalabas kami ng Hypermarket, binuhat ko siya ng makarating kaming escalator. Buti nga at hindi kami napansin ni Jarvie. Iniwan ko siya doon sa may dulo kung saan wala pang tubig. "Hanggang dito nalang ang pagligtas ko sa'yo.. Sana pahalagahan mo" Sabi ko at aakmang aalis na ng may humawak sa kamay ko.

Tumingin ako sa kanya na ngayon ay nakadilat na. Nginitian niya lang ako. "Kalaban mo ko.....bakit mo...
ginawa ang bagay na 'yun?" Napalunok naman ako bago siya sagutin. "Dahil....gusto kong patawarin mo ko" Napabitaw siya sa kamay ko kaya tinalikuran ko agad siya. "Patawarin mo ko kung sakali mang mapatay kita" Sabi ko at nagsimula nang maglakad papuntang parking.

Naabutan ko naman sila Lexy kaya pinuntahan ko na sila. "Tch. Buhay ka pa pala?" Tanong niya habang tumatakbo. "Hindi. Multo na ko eh" Biro ko kaya pinalo niya ko. "Sira, buhay pa ba si Abigail?" Hindi ko nalang siya sinagot at pupunta na sana ng Parking lot papasok ng may marinig kaming bala ng baril, at paglingon namin, si Jarvie, Jaime, Tiara, Ivan, at Abigail. May hawak silang lima ng baril at nakatutok sa amin.

"The Battle Revenge has not done yet, Carters..." Nakangiting sinabi ni Jarvie.

Nabigla kami ng sugudin niya si Papa hanggang sa Shinicker's Hardware. Sinugod naman ni Ma'am si Jaime at ngayon ay naglalaban na sila sa Shaiberone's Restaurant. Si Lexy naman sinugod si Abigail, ewan ko ba dito, parang may galit kay Abigail. -___-

Susugurin na sana ni Tiara si Ivan ng harangan siya ni Ken at naglaban sila sa Jase's Department Store. Ako naman, tumakbo ko papunta kay Ivan sa Dhonmallow's Cinema.

Pagpasok ko sa Cinema, hindi ko agad siya nakita. Kaya hinanda ko 'yung baril ko. I immediately shoot him sa balikat ng makaramdam akong nasa likod ko siya. Dumiretso siya sa Popcorn Station kaya pinaputukan ko lahat 'yun.. Pero wala akong narinig na kahit anong ingay.

"Lumabas ka na dyan" Nakakunot noong na sabi ko. Lumabas siya agad at pinaputukan ako, pumunta naman akong Cinema 4 at pumasok sa loob na 'yun, sinundan niya ko. Pero ako nasa taas siya nasa bandang baba. "Bakit mo pinapunta si Abigail sa Louiepop's Shop?! Alam mo bang naging delikado ang buhay niya?! At dahil 'yun sa'yo" Sabi niya at nagpaputok. Umilag naman ako at gumanti rin sa kanya but I missed. Tsk.

My Boyfriend Is A KillerWhere stories live. Discover now