Chapter Seventy- The Battle Revenge

380 9 0
                                    

-Lexy's PoV-

"Dahan-dahan lang po" Nakangiting paalala ko sa isang matanda palabas ng emergency exit. Tumingin naman sa akin ang matanda at tumango.

Nagsimula na kasi ang alarm nung 7:00 at ngayon, 7:27 na. Sabi pa naman ni Tito Robert. They need to be get out of here exactly 7:30 para daw mas maaga at mas malinis. Halos wala nang katao-tao sa mall kundi kami nalang at itong 5 matandang kasama ko. Nakalabas na 'yung isa kaya apat nalang.

"Tulungan na kita?" Alok ni Ken habang tinutulungan 'yung pilay. "No need. Mukha na ba kong matanda at kailangan na ng tulong?" Inis kong sabi sa kanya habang tinutulungan makahakbang 'yung isa. "Pfft. Wala naman akong sinasabi, malapit na kasing mag-7:30 kaya mas mabuting makauwi na ang lahat" Sagot nito nung makalabas na 'yung pilay na tinulungan niya. "Whatever" Nasabi ko nalang at tinignan ang orasan.

7:30 na. Sakto, wala nang matanda or kapansanan dito sa emergency exit. "Emergency exit is clear" Sabi ko sa kabilang linya. "Sira na ang mga cctv's" Sabi naman ni Jasper. "Check ko na 'yung entrance" Sabi ni Ken at sumaludo bago pa umalis sa tabi ko. "Wala na ring ibang tao sa Second floor at second parking kundi tayo nalang" Sabi naman ni Ma'am.

"Alright, wala na din dito sa first floor at parking area. Pwede na kayong pumunta sa mga pwesto niyo" Utos ni Tito. So, pumunta na ko sa Dental Care muna, mamaya na sa Twixbelle's Salon. Tumingin-tingin naman ako sa mga kasangkapan sa loob. Hmm, ano kayang pwede kong gamitin? Kinuha ko 'yung isang metal object na bagay at idinikit sa balat ko.

Nabigla nalang ako ng may humuhugot sa katawan ko kaya binalik ko kaagad 'yung sa lalagyanan. "Nandito na ang target" Nagseryoso naman ako bigla at pumunta nalang sa Salon.

-Ken Salazar's PoV-

"Good Morning Ma'am! Ma'am, many Ma'am" Bati ko ng nakangiti. Hindi naman ako pinansin ni Jarvie at pumasok nalang. Nakakatulong pala 'tong fake mask na suot ko! Huwaha!

"Eh? Hindi ba, evening ngayon?" Nagulat nalang ako ng kumunot ang noo ni Abigail at tinignan ako. Patay! Nagsimula na kong pawisan ng napahinto si Jarvie sa paglalakad. "S-Sorry po Ma'am, first time palang eh" Dahilan ko at nagkamot ng ulo. "Pahamak ka talaga kahit kelan eh" Rinig kong sabi ni Lexy sa kabilang linya. Kainis. Pumasok nalang si Abigail.

"Hindi mo ba kami susuriin?" Tanong ni Jarvie at tahimik paring nakatalikod sa akin. "Naku, Sira na ho kase 'yung detector namin. Tsaka, kung may dala namang baril 'yung tao, mapapansin rin naman namin 'yun" Dahilan ko. Pakshet! Buti nabawasan ang nerbyos ko kahit papano.

Naglakad na si Jarvie papasok kasabay ng anak niyang si Abigail. Nakita ko rin si Ivan at Jaime...pati si Tiara. Woah. Takte. Ang hot niya lalo! Syet. "U-Uh. Hi Ma'am, a-ang-" Ah! Syet. Nauutal ako ah. "Ang--ang g-ganda niyo po" Sabi ko ng tumigil si Tiara sa harap ko. "Thanks" Mas lalo pa siyang gumanda ng ngumiti ito at nagpatuloy sa paglalakad..

Napanganga ako ng pumasok pa ang sandamakmak na tauhan ni Jarvie. Lahat sila nakaitim bukod kina Jaime, Ivan, Jaime, Abigail at Tiara. Buti nalang, nakapag-panggap kaming inosenteng tao dito. "May naiwan ba sa parking?" Rinig kong tanong ni Jarvie. "Yes, Bestie. Lima sila" Sagot nung Jaime. "Okay. 'Yung 40 na people, sa second floor. The other 50, sa dito sa first floor. Magmasid kayo. Huwag muna kayong kikilos hangga't hindi ko sinasabi. Okay?" Bulong ni Jarvie at tumango ang lahat. Si Jarvie, Tiara at Ivan pumuntang second floor kasama 'yung 40 na tauhan niya. Sina Abigail, at Jaime sa first floor. Kasama 'yung 50 na tauhan niya. Ibig-sabihin, 90 sila. Buti nalang nakakuha kami ng impormasyon.

"Dito lang kayo" Sabi ko sa dalawang tauhan ni Bossing. "90 ang mga tauhan ni Jarvie. Ivan, Jaime and Tiara are here also. Mukhang na-trained sila. Lima 'yung naiwan sa parking. Tapos naghiwalay silang 95, si Jarvie, Ivan and Tiara kasama ang 40 nilang kasama nasa second floor. At sina Abigail at Jaime naman kasama ang 50 nandito"

My Boyfriend Is A KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon