✭ progress: inner growth ✭

10 5 0
                                    


"Pag-usad"

As a writer, kapag nabasa o naisip natin ang salitang 'yan, we tend to think na about ito sa nakukuha nating results numerically. Numbers. Reads. Followers. We think na umuusad lang tayo kapag nadaragdagan yung numbers. Besides, we tend to tie our worth to numbers.

But, I hope you'll remember that writing is not just about the numbers. It's more than the numbers. You are not the numbers. It's also about your inner growth: discipline, faith, patience, persistence, etc.

Umuusad ka sa pagsusulat kung:

● nagsusulat ka pa rin kahit minsan pagod ka at wala kang gana
● kahit mabagal sa pagtapos ng story dahil busy ka, you still find the time to write
● kahit na 'di ka suportado ng mga taong nasa paligid mo, you still hold on to that hope na balang araw, basta ilalaban mo, matutupad mo rin pangarap mo
● kahit na madalas kang panghinaan ng loob, lalo na when you see your co-writers' achievements, reminding yourself na 'wag kang mainggit (kahit uncomfortable pa yung feeling) at kailangan mo silang i-congratulate, at the same time thinking, "kailan yung para sa 'kin?"
● kahit may times na 'di ka makatulog, asking yourself, "para sa 'kin ba talaga 'tong path na 'to? what if nagsasayang lang ako ng oras?"
● kahit na minsan nang sumagi sa isip mo na tumigil na, hindi mo pa rin ginawa at sinubukan mo talaga yung best mo makabalik lang sa pagsusulat kahit paunti-unti pa 'yan

Oo, kahit mabagal, kahit hindi mo makita, umuusad ka pa rin. At sana dumating ang araw na makita mo ang halaga mo bilang manunulat na hindi sa mga numero kundi sa pagsisikap mong ipaglaban ang pangarap na nasimulan mo at sa pagmamahal mo sa pagsusulat. Sana lagi mong maalala na hindi nakadepende ang boses mo sa mga numero. Sana magsusulat at magsusulat ka hanggang sa kahit ang matira na lang ay yung sarili mo, hindi ka titigil.

Ituloy mo lang ang pag-usad. Balang araw makararating din.

٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Still Me, Still WritingWhere stories live. Discover now