✭ the satisfaction you get from numbers is fleeting ✭

4 0 0
                                    


Maraming natutuwang writers kapag nadaragdagan yung follower count nila or their sales, basta numbers. Sino nga namang hindi matutuwa? You feel so special kasi may mga sumusuporta sa 'yo. On the other hand, nalulungkot kapag mabagal ang usad or walang progress talaga. Marami ngang wattpad writers ang diretso "signing off."

But let's face it: fleeting ang satisfaction na makukuha sa numbers. Ang numbers, dumarating, umaalis 'yan (namamatay ang account kapag wala ng hype). Hindi mo nga ma-predict kung kailan meron o wala.

Yes, I get the happiness you feel when you get numbers, pero kung ikaw yung tipo ng writer na alam mong obsessed ka na sa numbers, yung tipong every moment mino-monitor mo account mo just to check kung may new followers, at kung wala ka, madi-disappoint ka't feeling mo sira na yung araw mo, better to think about your relationship to the numbers. Kasi alam mong hindi maganda effect noon sa 'yo emotionally and I'm sure you don't want it to destroy your dream of being a published author.

Listen and always remember: don't ever let numbers rule your whole writing process. And don't depend on it. You're worthy, with or without it. The real satisfaction of being a writer, I believe, is when we are writing. Writing, at the moment. Until such time we get to finish our story. And write again!

Kaya dapat pag-igihin nating ipaalala lagi sa mga sarili natin na hindi sa numbers nagmumula ang tunay na satisfaction bilang isang writer, kundi sa mismong proseso. Kahit may dumating mang numbers o wala, magsulat at magsusulat pa rin. Hanggang isang araw ma-realize natin na hindi naman pala natin kailangan yung numbers para makapagsulat tayo. Madagdagan o mabawasan man yung numbers na meron tayo, yung kagustuhan nating magsulat ay mananatili lagi. Puwede naman palang magsulat kasi gusto nating magsulat— kasi mahal na natin ang pagsusulat. 

٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Still Me, Still WritingWhere stories live. Discover now