✭ their choice of words is not YOU ✭

7 1 0
                                    


Naranasan mo na bang i-compare writing style mo kapag nagbabasa ka?

Be honest, that's okay naman.

Sa sobrang ganda ng writing style nila, malinis pa basahin, tapos 'yong choice of words, gusto mo na lang talagang mag-facepalm! In the end, naging conscious ka na sa writing style na meron ka. Kung minsan pa nga, you would be insecure and would want na sana ikaw na lang nagsulat noon. Sana ganoon na lang ang writing style mo, "ang pangit ng sa 'kin, ang gulo! sana ganoon na lang 'yong boses ko! argggggh!"

Naranasan mo na 'yon, right?

Admit it. It's okay.

It's part of the creative process even though that feeling sucks.

Gusto kitang i-remind na tayong mga writer, magkakaiba ng boses. May distinction and you have to be comfortable with that. May kanya-kanya tayong choice of words, kasi hindi naman tayo pare-pareho ng nako-consume araw-araw. Aside sa unang na-mention ko, puwedeng dahil iba't iba 'yong personalities ng character na sinusulat natin: may straighforward, may kuwela, may seryoso, etc. 

Puwede namang sa mismong nilalaman ng story, depende sa genre, depende sa mood na kailangan, depende sa character.


Puwede namang dahil sa atin mismo, like, our personalities, our socio-economic status, our age, our relationships, etc.


Maraming factors bakit magkakaiba tayo ng writing style.


Their choice of words is not YOU, remember that.

There's a reason why jonaxx sounds like jonaxx, beeyotch sounds like beeyotch. 

Same with you. There's a reason why you sound that way. And you should work on overcoming that shame. You must be proud of your voice— own it.

Connect with your authentic voice.

Kung hindi ka pa rin satisfied sa writing style mo, remind yourself na matagal nang nagsusulat 'yong iba. Dumaan din sila sa ganyan, along the way, nahasa na nila 'yong writing skill nila, nahanap na nila 'yong nakapag-satisfy sa kanila at confident na sila sa boses nila. Ikaw beginner ka pa lang. You still have a lot of time to polish your storytelling.

For now, turuan mo muna ang sarili mo na huwag mahiyang gamitin at ibahagi ang boses mo. Magsulat nang magsulat to hone your craft. Proudly share your stories. And maging patient na mag-improve. Someday, you'll look back at mapapasabi ka na lang sa sarili mo na, "buti naging proud ako sa boses ko. hindi ko naman pala kailangan na maging kaboses niya. buti na lang talaga naniwala ako sa boses na meron ako't sa wakas, published author na ako."

٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Still Me, Still WritingWhere stories live. Discover now