✭ being a published author isn't the only result ✭

7 1 0
                                    


Be honest. Kung iri-rate mo sarili mo, out of ten, gaano ka ka-attached sa dream mong maging published author?

Ten? Okay, valid naman.

Pero ang tanong, masasabi mo ba sa sarili mo na may patience ka? Magsusulat ka pa rin ba kahit mabagal, kahit feeling mo ang layo-layo pa? Or you'll end up getting frustrated? Even disappointed kasi bakit wala pa, bakit ang tagal punyeta, and feeling mo rin you're not doing enough? Hindi ako papayag, I should be a published author right now!

As what I said, valid namang maramdaman.

But what if there's a way to make your writing journey less sufferable? What if puwede naman nating i-reframe ang situation, para naman hindi mawala yung peace habang pinu-pursue mo ang pangarap mo?

Because if you think about it, do you really have the power to dictate when you should be a published author? As in the exact date?

Wala. It's waaaay beyond your control.

Now let's begin to reframe it— huwag mo nang pahirapan ang sarili mo.

Being a published author isn't the only result na makukuha mo sa writing journey mo.

Marami pa. Through writing, you get to discover life and feel connected in everything. Mararamdaman mo na hindi ka naman pala nag-iisa. Malalaman mong hindi lang naman pala ikaw ang nahihirapan at patuloy na lumalaban sa buhay. Maaalala mo na hindi lang ikaw ang kuwento sa napakaraming kuwento. Madidiskubre mo na nasa iisa kayong kuwento: ang buhay.

Through writing, you can make sense of your life struggles and help others navigate their own challenges. Writing allows you to touch hearts, inspiring people to make positive changes. It also empowers you to be bold in sharing your voice and to become a voice for many.

Napakaraming bagay ang nagagawa at nakukuha sa pagsusulat. I don't want to specify the benefits of being a writer anymore. Madami talaga. Ikaw palang, even without being asked, you know too well kung ano nakukuha mo sa pagsusulat. Lahat ng 'yon ay results, maliit man 'yan, o malaki. It's all part of the process of getting there. Kaya I hope na lagi mong maaalala, na sa pag-pursue mo ng dream mong maging published author, hindi ka lang nagsusulat para maging published author ka. At tatandaan mo na puwede mo naman palang tuparin ang pangarap mo, without losing yourself in the process.

٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Still Me, Still WritingWhere stories live. Discover now