✭ pleasing an audience, but . . . ✭

7 1 0
                                    


Pleasing an audience isn't totally bad. Kasi kung ano gusto ng audience, nandoon ang market. Kung ano in demand, mabilis usad ng numbers, mabilis ang success.

But, yes, buuuuuuuut, in the long term, I don't think magiging maganda effect nito sa writer— sa creativity. I don't think it is fulfilling. Paano 'yon, magsusulat ka na lang lagi base sa gustong mabasa ng readers mo? Paano naman ang mga gusto mong isulat?

Nasaan ang freedom mo sa pagsusulat?

Some will say na choice naman nila 'yon, just let them do what they want, ano ang pake ko? Some will say it's strategic kasi nga marketable ang stories, which is understandable for people who need money to feed their mouths. Some will say okay lang at least nakaka-entertain naman ng readers.

Pero nasaan ang freedom mo as a writer?

Kailangan mo pa rin namang isulat kung ano talaga gusto mo. In your case, if you are writing based on your readers' demand, you can use it as your initial strategy and then gradually, magsulat ka ng new stories under new genre na talagang gusto mo. That way, nag-e-expand ang creative journey mo through exploration at na-e-enhance mo ang creative muscle mo dahil mas lumalawak ang imagination mo, observation skill mo, or nare-recall mo ang life experiences mo na needed sa story na 'yon.

It's fulfilling kapag naisusulat mo kung ano ba talaga gusto mong isulat na hindi ka worried kung magugustuhan ba, kung may magbabasa ba o wala.

Sana dumating ang araw na palayain mo ang sarili mo at malaya kang magsulat.

٩꒰。•‿•。꒱۶
Drino Wang

Still Me, Still WritingWhere stories live. Discover now