PROLOUGE

2.6K 20 1
                                    

"Pagod na ako…" bulong ko habang tinitignan ang mga paa kong namamaga ng may tumapat roon na isang mamahalin na sapatos pang lalaki.

"Here," Napatingin ako sa lalaki at nilahad ang panyo niyang alam ko mamahalin.

"I wonder, why are you always crying here.." he said.

"Always?" Naguguluhan kong tanong, paano niya nalaman na umiiyak palagi ako dito?

"Yes," umupo ang lalaki sa tabi ko at tumingin lang sa daretso.

Familiar…

Siya yung gwapong lalaking matangkad, mestizo at mabango na laging naka tambay sa isang pinapasukan kong trabaho! Siya yung lalaking iisa lang ang flavor na inoorder na drinks! Siya yung lalaking palagi tinititigan ng mga kasamahan ko sa trabaho at maski customer ay tinititigan siya! Siya nga! Pero siya rin ang lalaking nag aaral sa isang sikat na unibersidad dito sa maynila. Ang taas niya. Nakakahiya.


Napaiwas ako ng tingin at pinunasan ang mga luha ko. Bakit siya nandito? Napadaan ba siya? O baka naaawa siya sakin? Usap usapan kasi sa trabaho namin, tuwing lumalabas siya ng store namin ay mag oorder muna siya ng tinapay at binigay niya sa mga bata sa labas. Naaawa talaga siya sakin, nakakaawa naman talaga ako. Nakakahiya ngang tumabi pa siya sakin kaya umusog ako. Nakakahiyang tumabi sa kagaya niya na ang bango bango at napakalinis. Iiwas nalang ako dahil nakakahiya talaga, galing pa ako sa trabaho. 


"You're the girl from Celestre Coffee Shop isn't?" Basag niya sa katahimikan.

"Oo, isa sa mga trabaho ko." Mapait akong napangiti.

"One of your work? It means may work ka pa aside don?" Kunot noo niyang tanong. 

"Kailangan," mapait kong sagot.

Kailangan talaga, I'm planning to continue my study here, tumigil akong mag aral sa Cagayan De Oro dahil kailangan ko mag trabaho dahil na hospital ni Valerie. 3rd year na dapat ako noon kaya lang natigil. I badly want to pursue my dream. I want to have my own bakery shop someday. 

"Ahhh-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng maglahad siya kamay sa akin.

"I'm Ethan," tinignan ko ang kamay niya. Nakakahiya naman hawakan. 

"Amber," sagot ko at tinanggap ang kamay niya mabilis lang iyon at inalis ko rin agad dahil nakakahiya ang kamay ko napatitig siya sakin sakto naman ang pag tunog ng cellphone ko. Si Juliet tumatawag.


"Hello?! Amber?! Bakit ngayon ka lang sumagot?! Tinatakasan mo na ba kami?! Hinihintay namin yung padala mo! Anong oras na! Sabi mo isang oras lang ang kailangan! Bakit ang tagal naman?! Sasabunutan na talaga kitang babae ka!" Malakas na sambit ni Juliet kaya napatingin ako sa lalaking nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin at yumuko.

"Oo, pasensya na hindi pa kasi ako kumakain, Juliet. Pakisabi na lang kay Tita papadala ko na. Oo, pasensya na…" mahinang sambit ko at pinatayan niya na ako ng tawag.

"May sasabihin ka pa ba? Kung wala na, aalis na ako, may gagawin pa ako…" sambit ko at umiwas ng tingin. 

"Ah yung panyo mo pala… balik ko nalang sa susunod na magkita tayo… kung magkikita man... Wala kasi akong work bukas sa shop na iyon," sambit ko at nakatingin sa mga paa ko. 

Ano ba yan. Pagod na ako mapahiya. Pagod na akong magtrabaho. Ulit ulit nalang. Narinig pa ng lalaking ito ang sinabi ni Juliet sa tawag kanina. Nakakahiya. Nakakapagod.

Akmang aalis na ako ng hawakan niya ang braso ko dahilan ng pag angat ko ng tingin sakaniya.


"Bakit?" Mahinang tanong ko.



"See you tomorrow, Amber." Sambit nito at inunahan na akong umalis.






Bukas? Wala naman akong trabaho bukas sa palagi niyang tambayan. Baka naman napagka kamalan niya lang ako.








NOTE: Happy Reading!

The warmth in his arms  Where stories live. Discover now