CHAPTER 32

353 7 0
                                    

"C-calle…" mahinang sambit ko. 


Tanging tunog ng mga hospital machine at ang aircon ang nagsisilbing ingay dito sa kwarto. Tinignan ko ng lalaking nasa tabi ko. Nakaupo siyang natutulog habang hawak hawak ang kamay ko. Gusto ko siyang bigyan ng mas komportableng higaan pero hindi ko makakilos. Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya dahilan ng pag gising niya.

"Amber!" Nataranta niyang sambit. 

"Hmm.." sabi ko at pilit inuupo ang sarili.

"No! No! No! Don't sit!" Natataranta niyang sambit dahilan ng pagtigil ko.

"Stay baby, tatawag lang ako ng nurse….please don't move." Sambit niya at mabilis na tumayo at pinindot ang parang call sa mga nurses.



"Nurse! She's awake! Call doctora Pauline! Hurry up!" Sigaw niyang sambit sa bagay na iyon at mabilis na tumayo sa gilid ko.


"What are you feeling? Don't move baby, please? Let's wait for the doctor, okay? hmmm?" Sambit niya at marahang hinawakan ang buhok ko. 


Tinitigan ko ang abo niyang mga mata.  

Puno ng pag aalala ang mga abo niyang mata. Kitang kita ko kung paano siya mag alala sa akin. Eyes tell everything. Eyes don't lie. Eyes express more feelings, that's way I love making eye contacts on him 

"Calle.." sambit ko at pinipigilan umiyak.

"Yes baby nandito lang ako," sambit niya.


"M-mahal k-kita.." sambit ko at nakatitig sakanya.

"I love you too.. mahal na mahal kita… please don't cry, it's bad for you…let's wait for the doctor, hmm?" Tumango tango nalang ako bilang sagot.



Bigla akong inaantok. I want to shut my eyes again. Hinang hina and katawan ko kahit wala akong ginagawa.Gustong gusto ko kumilos. Tumayo na dito at magsimula na ulit. Magti-tinda pa ako sa Carinderia. Magluluto pa ako ng mga putahe don. Sa Cafe Bake Shop ko, gusto ko pa maamoy ang sariling kape. Magsisimula palang kami ulit ni Calle. I want to spend more time with him. Nay? Calista? Please? not now? I want to be happy with Calle pa. Please po…please..

"I-iaantok a-ako C-calle…" mahinang bulong ko dahilan ng pagtaranta niya. 


"No! No! Please don't sleep….No…No.. fuck… Doc!" Huli kong narinig bago mandilim ang paningin ko.


***

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko kung nasaan ako. Na dito ako sa park na palagi Kong pinupuntahan noon kung saan ko kinakausap si Nanay. Bakit maraming tao ngayon dito? Puro masasayang pamilya ang nandito. Maraming nag pipinic. Mga batang naglalaro, naghahabulan. May mga nagtitinda rin. May nagtitinda ng cotton candy! May sorbetes! May lobo! Tinignan ko ang sarili ko at ngayon ko lang napansin nakasuot ako hospital gown pero bakit ako nandito?

"Hi po!" Sambit ng batang katabi ko sa upuan. 


Tinitigan ko and batang babae. Mahaba ang kanyang brown na buhok at kahawig ko siya noong bata pa ako pero iba ang kulay ng mga mata niya, kulay abo ito. Sa tingin ko apat na taong gulang na siya. Nakasuot siya ng puting bestida. Mapula ang labi at mahaba ang eyelashes. Kay gandang bata.


"Hello…" sambit ko.


"Ako si Calista… Ang ganda niyo po." Makulit niyang sambit. 


"Calista?" Tanong ko. 


"Opo! Kayo po ano po ang pangalan niyo?" Tanong niya ulit 

The warmth in his arms  Where stories live. Discover now