CHAPTER 2

1.1K 18 1
                                    

"May babayaran kayo for this project. I hope bukas lahat makapag bayad na." Sambit ng prof namin. 




Saan naman ako kukuha ng pambayad? Hindi pa ako binigyan ni Tita ng baon ko simula noong sampalin niya ako. 




"Nagkakaintindihan ba tayo class?" Sambit ni prof.



"Yes po," sagot ng mga kaklase ko. 




"Okay. Class dismissed." 




Inaayos ko ang mga gamit ko dahil uwian na. 



"Amber!" Si Sarah kaibigan ko.



"Nakakainis yung prof na yon. Kakatapos lang ng mga activities niya gusto niya bayaran naman, nakakainis!" 



"Oo nga eh, hindi ko alam saan ako kukuha pangbayad…" pagbibiro ko. 



"Pautangin kita?" Suggestion naman niya. 


"Ano ka ba hindi na… malaki laki rin yon. Allowance mo yon," nginitian ko siya.



"Sure ka? Pwede naman eh," 



"Oo naman. Tara na?" Aya ko sakaniya. 





Si Sarah ang lagi kong kasama kasama. Siya ang naging kaibigan ko simula noong pumasok ako. Sarado ang bahay ng makauwi ako. Nasa palengke pa siguro si Tita. Si Valerie ay alam ko may thesis na tinatapos. Si Juliet naman, kasama niya mga kaibigan niya. Nang nakapasok ako sa bahay. Naghubad na ako ng bag at inilagau iyon sa tabi ng pintuan. Pumunta naman ako sa kusina. May tirang ulam sila kaninang umaga. Kaya kinain ko na iyon alas kwatro na ng hapon hindi man ako nag almusal o tanghalian, wala kasi akong pera. Nang matapos kumain ay pumunta ako sa lababo. Tambak ang hugasin, hindi sila nag hugas kaninang umaga, nag gagabi na ito pa rin ang mga pinggan. 



"Kaya yan…" mapait kong bulong sa sarili ko at sinimulan na ang paghuhugas. 




Nang matapos ay kumuha na ako ng damit. Maliligo na ako. Ilang oras rin ang tagal ko sa paliligo at lumabas na ako dumaretso ko sa likod upang malabhan ang uniform ko. Nang matapos maglaba ay nagbasa basa na ako ng mga pending readings ko. 





"Amber," Tawag ni Valerie kaya tinapunan ko siya ng tingin.




"Ito oh, kunin mo na" sambit niya sabay abot ng turon mukhang mainit pa yon.




"Salamat," sambit ko. 




"Sige, punta na ako sa kwarto." Pag papaalam niya. Sa dalawang magkapatid ang masasabi ko, si Valerie ang mabait. Nagpatuloy lang ako sa pagbasa habang kinakain ang bigay ni Verie. Nang makita ko ang orasan na mag alasais ay nag saing na ako.  Hinintay ko matapos ang sinaing bago kinuha ang uniform at pinlansta na. Narinig ko ang tinig ni Juliet sa taas kausap si Valerie, siguro habang nasa kusina ako ay dumating na siya.  Alas Otso ng gabi umuuwi si Tita. Siya na rin ang laging may dalang ulam. 





"Amber," sambit ni Tita ng makapasok siya at may dala dalang plastik bag.




"Tawagin mo ang dalawa kong anak sa itaas, sabihin mo kakain na tayo!" 


Kakain na tayo…. Sana nga..




"Sige po," sagot ko at umakyat na. 





Nang makababa ay inayos ko na ang kakainan nila. Nang maayos ay lumabas na ako pumunta ako sa sala. 



"Amber halika dito! Sumabay ka na samin!" Sigaw ni Tita. Himala?




The warmth in his arms  Where stories live. Discover now