CHAPTER 25

761 8 4
                                    

"Hindi ka magbabantay sa coffee shop mo?" Tanong ni manang Cecile. 


Nag-aayos kasi ako ng mga niluto Kong ulam ngayon. Simula ng mangyari ang muli naming pagkikita ni Calle at hindi ko kayang bumalik sa shop ko dahil baka mamaya ay pumunta pa siya roon. Hindi ko talaga alam paano siya haharapin lalo na at ang mga binitawan niyang salita ay sobrang sakit para sa akin. Paano pa kaya kapag nagkataon na magkausap kami? Siguro wala nang pagkakataon dahil sa paraan palang ng pananalita niya ay mukhang galit talaga siya sa akin. Sabagay kahit sino naman ay magagalit kapag iniwan mo ng walang paalam, hindi ba?

"Hindi po manang, may mga tao naman po ako doon. Atska, gusto ko pong bisitahin ang carinderia ang tagal ko na rin po hindi binibisita iyon," sabi ko. 


Simula kasi ng matayo ko ang shop ko ay hindi na ako na bisita  doon. Mahabang oras kasi ang kailangan Kong ilaan sa business ko na iyon. Ang carinderia naman ay ako mismo ang nagluluto para hindi na mapagod pa si manang cecile. 

"Ay sabagay… hay nako…sigurado ako pagkakaguluhan ka ng mga kumakain doon." Sabi ni manang Cecile. 


"Po?" 


"Aba't palagi kasi ako tinatanong mga nga suki ko kung sino ang may-ari at palagi ko naman na sagot ay magandang dalaga… " sabi ni manang. 


"Atska alam mo ba…tama rin na bumisita ka sa carinderia mo para makita mo ang sekretarya na panay bili sa specialty mo… maganda, maputi, kaso kasi mukhang ayaw niyang napapadpad doon mainit daw kasi…ang arte! wala naman siyang choice inutusan siya ng boss niya! Atska sinasabi ko sayo mas maganda ka.." sabi ni manang cecile. 


"Manang baka hindi po siya sanay sa ganon.." sabi ko. 



"Ay wala akong pakialam! Arte arte akala mo kinaganda, pasalamat siya at maputi lang siya!" Sabi ni manang kaya natawa ako. 


"Ako na dito at magbihis kana!" Inagaw sa akin ni manang ang mga lalagyan kaya natawa ako. 


"Sige po," sagot ko nalang. 



Pumasok na ako sa kwarto at nagligo na. Hindi ko na pinakatagal maligo baka mabored si manang kakahintay sa akin. Si manang cecile, siya ang kapitbahau ko sa apartment. Ang saya sa pakiramdam na nandito siya at kasa kasama ako dahil kahit may anak siya ay anak rin ang turing niya sa akin. Noong nga panahon na hinang hina ako hindi man magtanong si manang ay alam ko nakakaramdam siya na hindi ako okay. 

Grabe no? Kung sino pa ang mga hindi natin kadugo ang siya pang nagpapakita na may halaga at kamahal mahal tayo. 



Nang matapos ay nagsuot ako ng puting sleeveless top at puting short at itim na belt. Nag tali narin ako ng buhok pusod iyon. Suot ko ang kwintas ko dahil kahit saan kailan hindi ko iyon huhubarin. Nang matapos ay bumaba na ako. 

"Tara na po," aya ko kay manang.


"Ay jusko ka! Ang ganda ganda mo naman!" Bati niya sa akin. 



"Manang naman," nahihiya kong sambit. 



"You look expensive, Amber!" Sabi niya pa. 



"Tara na po, ayan napa English ka pa," biro ko. 


"Ay kahit sino naman kasi ay mapapae glish kapag ikaw ang kaharap! Para ka talagang si Julia Barretto! Ang ganda ganda mo!" Sabi ni manang. 



"Si manang talaga… palagi niyo pong nasasabi yan, mas maganda po iyon" sabi ko.



"Mas maganda ka from outside to inside. Halika ka na!" Sabi ni manang at nag aya na. 



The warmth in his arms  Where stories live. Discover now