CHAPTER 17

577 11 1
                                    

Kinaumagahan maaga ako umalis sa apartment ko pinuntahan ko si nanay sa park at kinausap siya bago pumunta sa Celestre Coffee Shop. Simula nung nabasa ko ang impormasyon na nakalap ko kagabi Hindi na ako nag bukas ng cellphone. Hindi ko kaya. 




"Good morning, Amber" bati ni Jeremiah ng Makita ako.




"Mamaya pa duty mo ha?" Sambit ko sa kanya.




"Oo nga, aga kasi ako pinapunta nun e," Sabi niya sabay turo sa lamesa. 




"Andrie?" Tawag ko dahilan ng pag angat niya ng tingin sa akin.




"Ang aga kasi ako pinapunta niyan para sayo," Sabi naman ni Jeremiah Kaya nilingunan ko siya. 




"Bakit?" Tanong ko.



"Hindi ko alam," sagot ni Jeremiah at umalis na ng makarating si Andrei sa harapan ko.





"Good morning, Amber " bati ni andrie.




"Magandang umaga rin, ang aga mo?" Tanong ko.





"Aayain sana kita mag almusal kila manang fely, gusto mo ba?" Tanong niya. 




Sakto hindi pa ako nag almusal.




"Sige tara," aya ko. 




"Ayun naman pala, kaya pala maaga mo ako pinapasok kasi papaalisin mo yung morning duty!" Sambit ni Jeremiah kay andrie. 




"I will pay you three times," 





"Oo na! Mag ingat kayo!" Sabi ni Jeremiah. Akmang aalis na kami ng tawagin ko si Jeremiah.





"Jeremiah!" 




"Ano na naman?" Sagot naman nito.





"Kapag pumunta si Ethan dito, huwag mong sasabihin na narito ako ha, kapag tinanong niya ako sayo sabihin mo lang hindi mo alam," bilin ko ng siyang nagpakunot ng noo niya.





"Oo sige, mag enjoy kayo" sabi niya.




"Thank you,"





Buong byahe ay tahimik kami ni Andrie. Walang nagsasalita maliban sa radio ng sasakyan niya. 




"Are you okay?" Basag ni Andrie aa katahimikan




"Hindi," sagot ko.




"I see, dahil ba kay Ethan?" 




"Oo," sagot ko.




"Ikain nalang natin yan," sambit niya at huminto na sa tindahan ni manang fely,.





Habang kumakain. Tahimik lang ako, hindi ko rin kasi alam anong gagawin ko eh. Kausapin ko ba siya? Hindi ko alam.




"Amber," tawag no Andrie.




"Ano?" 



"Are you free later?" Tanong niya.




"Bakit?" 



"Aayain sana kita sa Casa Maria Parke around katip lang," Sabi niya.







Ano ang gagawin namin doon? Si Calle kumusta na kaya siya? Hinahanap niya kaya ako ngayon? Kinaugalian niya akong sunduin sa apartment para ihatid ako sa mga trabaho ko at sunduin sa mga ping ta-trabahuan ko. Hinahanap niya kaya ako? Gulong gulo na ako. Gusto ko siya kausapin para bigyan siya ng pagkakataon para mag paliwanag pero hindi ko Kaya. Ayoko siyang harapin pero inaalala ko siya. Kailan ko ng oras para makapag isip. 





The warmth in his arms  Where stories live. Discover now