CHAPTER 11

779 8 0
                                    

Kinabukasan tinotoo lahat ni Ethan ang mga binitawan niyang salita. Kaninang umaga ay sinundo niya ako sa apartment may dalang red roses bouquet kinuha ko iyon at iniwan na lang sa lamesa dahil may pasok pa ako sa isa kong trabaho. 



"Sunduin kita mamaya. Ingat ka, baby." Sabi niya ng makalabas ako ng sasakyan niya. Like he said he blinked his hazard three times, hindi ko maiwasang mapangiti dahil don. Gaya ng mga nakasanayan kong trabaho. Ang coffee shop na ito ay matao rin, bukod sa maganda ang pwesto niya, masarap ang mga kape dito. 





"Good morning sir- Andrie!" Halos mapasigaw ako ng makita ko siya dito. 





"Bakit ka nandito?" Nagtataka kong tanong.




"Bibili ako," sagot naman niya kaya napakunot ang noo ko.




"Ang layo nito sa condo mo," sagot ko.




"So?"



"Anong so, so ka dyan! Ano nga ginagawa mo dito?! Hindi mo ako maloloko!" Sagot ko na kinatawa niya. 




"I'm visiting you. This is your new work? Ngayon ko lang alam to" ani niya. 




"Nevermind, one ice amerikano…"pag iiba niya sa topic. 





Tumango ako at kinuha na ang pambayad niya. Sigurado ako pumunta siya dito para puntahan ako. Sabi niya kasi ng minsan, he's watching me from afar rin… ano yon pareho sila ni Ethan? Gusto rin ba ako ni Andrie? Hindi pwede! Magkaibigan kami.





"Ito na po," sambit ko ng makalapit ako




"Amber… are you free later?" Tanong ni Andrie ng makalapit ako. 



Free later? Susunduin ako ni Ethan.




"Ah… kasi susunduin ako ni Ethan mamaya…" sambit ko ngumiti naman siya at tumango. 




"I see.. sige na balik ka na sa work mo," Sabi niya. Ang weird niya ngayon.




"Ayos ka lang?" Tanong ko. 




"Oo, sige na mag work kana. Don't mind me." Ani niya. Si andrei ang weird niya.Sinunod ko na siya. 



Totoo naman na maraming customers sa coffee shop na ito. Mabilis lang ako nakapasok sa trabaho na ito dahil kay Jeremiah. Nagtatrabaho rin kasi siya ngayon dito, kaya lang, pang gabi siya. Ang pangalan ng coffee shop na ito ay "SAMANTHA'S CAFE" Hindi ko na napansin kung anong oras umalis si Andrei sa dami kong inaasikaso na customer. Siguro tetext ko nalang siya mamaya. Mukha kasing may problema siya. Ang daming estudyanteng at mga mayayaman na napunta dito. Nahihiya nga akong harapin sila kaya sa tuwing mag oorder sila ay hindi ko sila matapunan ng tingin sa mukha dahil nakaka kaba.


Umagaw sa attention ko ang isang pamilyang pumasok dito. Ang lalaki ay nakasuot ng office attire. Habang hawak hawak ang gwapong bata na naka school uniform sa bisig niya. Ang babae naman ay naka yellow dress at may bitbit na baby. Ang saya nilang titigan. Teka, familiar sila… sila yung nasa tarpaulin sa labas ng  G Supermalls! At sa mga highways dahil sa sports car model! Sila ang mga may-ari non! Oo tama! Sila nga! Ang mga Grayson!



"What's your order, love?" Tanong ng lalaki sa babae habang tinitingnan ang menu.



"Ano bang gusto ni mommy dito?" Tanong ng magandang babae sa asawa niya. 





"Everything. That's why she's the owner of this shop, love…" sagot naman ng lalaki kaya nanlaki ang mata ko. 




"Alam ko. Ikaw na mamili uupo na kami ng mga anak mo, si little sam umiiyak na…" nakangiting sambit ng babae habang tinititigan ang baby na hawak niya. 



The warmth in his arms  Where stories live. Discover now