CHAPTER 19

832 16 1
                                    

Pagkalabas nilang dalawa ay umalis narin ako sa Coffe Shop na iyon. Wala akong pakialam kahit na ang pangit ng itsura ko kakaiyak. Wala akong pakialam dahil isa lang ang pinaka pinapakialaman ko yung puso ko. Ang sakit…sobrang sakit. Pumara ako ng taxi at pumunta sa park. My comfort park. Kahit tanghaling tapat wala akong pakialam. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko kausapin si Nanay. 





"Nay…" umiiyak kong sambit.




"Nay…minaliit nila ako. Pinahiya nila ako… Nay… ang sakit sakit…" sumbong ko kay nanay.



"Nay… bakit ang dali nila sabihin iyon sa kagaya nilang babae? Sa buong buhay ko po nanay… ngayon ko lang naramdaman yung sobrang liit ng pagkatao ko. Nay, andami na pong nagsabi sa akin ng mga masasakit na salita noon pero kinaya ko po. Pero ito po nay? Sobrang sakit. Hindi ko kakayanin." Humahagulgol kong sumbong kay nanay. 





"I'm Motherless… Nay sabi ko naman po kasi sa inyo isama nyo na lang po ako dyan," sabi kong muli.





"Gusto ko po kayong yakapin, nanay. Yakap ng isang ina…" sabi ko at umiyak na.





Ilang oras akong umiiyak hanggang sa napagod na ang mga luha ko. Wala na akong mailuha pa. Ano ang gagawin ko ngayon? In my whole twenty three years of existence ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sobrang  panliliit sa sarili ko. Ganoon nalang ba ako para sa kanila? Ganoon ba sila kaduda sa pagmamahal ko para kay Calle? Na pera ang kailangan ko sa kanya kaya hindi ko siya maiwan? Mukha ba akong pera, sa paningin nila? Mukha ba akong uhaw sa atensyon? Nasabi nila iyon dahil iyon ang nakikita nila sa akin? Mga putangina pala sila.





Tumingala ako sa kalangitan at mapait na napangiti. "Nay, meron po akong naiisip na paraan para maalis sa lahat ng sakit 'to… ayoko na po Nay…pagod na pagod na po ako." 




Umalis na rin ako kaagad sa park na iyon pagkatapos ko makaisip ng isang masakit na paraan para makalaya sa sakit na 'to. Siguro may tamang panahon para sa lahat. 






"Val?" Tawag ko sa kabilang linya.


Nasa apartment ako ngayon. Kailangan ko ng lakas para sa susunod kong gagawin. 





"Amber, napatawag ka?" 




"Kumusta kayo dyan?" Tanong ko habang inaayos ang mga gamit ko. 




"Ayos kami rito Amber. Ikaw kumusta ka na dyan? Ayos ka lang ba? Bakit parang iba ang boses mo?" Sunod sunod na tanong niya.





"Ayos lang ako,"





"Amber, yung boyfriend mo pinuntahan kami kanina. Ang sabi niya alagaan ka raw namin. Ayos lang ba kayo?" Tanong niya g muli.





Pinuntahan sila ni Ethan? Bakit?




"Pumunta siya dyan?" Tanong ko.




"Oo Amber. Mukha ngang galit siya. May nangyari ba amber?" Sabi niya.




"Mayroon, pero sa susunod ko na lang sasabihin sayo. Sa ngayon Valerie, pwede bang wag mong sasabihin sa kanya na lilipat ako ng apartment?" Sabi ko. 




"Lilipat ka? Bakit? Umuwi ka nalang kaya dito?" 




"Hindi ako pwede umuwi dyan dahil diyan nya ako unang hahanapin. Wag ka mag alala Valerie, may sapat na ipon naman ako dito. Atska lilipat lang ako malapit lang," sabi ko. 





"Hindi ko alam anong istorya ninyo pero wag ka mag alala at wag kang mahihiyang tumawag sa akin, Amber." Sabi ni Valerie.





"Salamat, Valerie."




The warmth in his arms  Where stories live. Discover now