CHAPTER 31

416 7 0
                                    


"What the…" rinig kong bulong ni Calle kaya napatigil ako sa paglakad papasok sa apartment ko. 

"Bakit?" Tanong ko ng ligunin ko siya.

Pinanood ko siyang pagmasdan ang kabuuan ng apartment ko. Alam ko ang mga titig niyang yan. Titig na hindi makapaniwala na dito ako tumira para taguan siya sa apat na taon. Tahimik ang papunta sa apartment ko pero lakad ka lang ng kaunti ay highway na. Maingay ang mga sasakyan pero banda dito sa eskinita ko hindi naman masyado.

"You've been living in this place for four years?" Sambit niya. 

"Y-yes" sagot ko. 

"Palagi kong nadadaanan ang lugar na ito papunta sa isa kong hotel pero…tangina nandito ka pala? Like, nandito ka lang pala?  What the fuck?" Mura niya sa sarili niya. 



"I'll explain po later once we got home." Natawa akong tinignan siya. Hinila ko siya sa kamay niya "Halikana, wala si apo ngayon kaya hindi kita mapapakilala sa kanya. Tara na?" Sabi ko.

Wala akong nakuhang sagot kaya hinila ko nalang sa papasok sa apartment ko. Pagpasok ay nilingon niya ang buong apartment natawa ako sa kanya dahil hindi ko mabasa kung masaya ba siya sa itsura ng apartment ko dahil kahit maliit ito malinis at mabango o dahil maliit ito. Natawa ako sa kanya kaya inalis ko ang tingin sa kanya hanggang sa nakita ko ang gamot ko sa center table kaya mabilis akong pumunta don para kunin iyon at itago sa likod ko. Nagulat siya sa naging aksyon ko.

"Hey are you okay?" Tanong niya. 


"Ha? Oo," Sabi ko at pilit tinatago ang gamot sa likod. Nakita ko ang paglingon niya don kaya kumunot ang noo niya. 

"What's that?" Tanong niya.

Shit. 


"Ha? Ito ba?" Tanong ko ng nakita ang picture frame sa tabi ko.


"P-picture namin yan nila manang cecile sa carinderia. P-pwede mo naman tignan. A-ano…aah..Maupo ka na muna dito" Lumapit siya dahilan ng lalong pagbilis ng tibok ng puso ko. 

"Baby…" hinawakan niya ang dalawa kong balikat at tinitigan ako sa mga mata.

"Hey…calm down. You're shaking…I won't hurt you, okay? Calm down, baby. Are you sure you are okay?" Tanong niya.

"O-oo…A-ayos lang ako… sige na, kuha lang ako ng maiinom mo.." nginitian ko siya.


"Okay, I'll wait for you here." Sabi niya at umupo na. 


Agad ko siyang iniwanan doon at pumasok sa kusina. Nakakainis! Bakit ko ba iniwan kanina sa center table to?! Nakakainis ka CardioVax! Kahit naiinis ako sa gamot na to kailangan ko parin uminom. Kumuha ako ng isa tablet at ininom iyon hindi ko kasi pwedeng makaligtaan ito. Pagkatapos uminom ay nilagay ko na ang bote ng gamot sa kabinet sa abi ng ref ko. Kumuha ako ng tubig na maiinom ni Calle bago lumabas mula sa kusina. 


Nakita ko siyang tahimik na hinihintay ako. Tinitignan niya ang buong paligid. Naramdaman niya ata ang presensya ko kaya agad niya akong nilingon. Ngumiti ako sa kanya at ibinaba ang pitcher at baso na dala. 

"Tubig," alok ko.


"Are you alone here?" Tanong niya sakin ng makaupo ako sa harapan niya sa may upuan. 

"Y-yes," 

"In four years? Mag isa ka lang dito?" Tanong niya ulit. 

"Oo...pero minsan si apo pinupuntahan ako dito" nag iwas ako ng tingin sa kanya. 


The warmth in his arms  Where stories live. Discover now